Pumunta sa nilalaman

Panitikang Ruso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Russian literature)

Ang panitikang Ruso ay tumukoy sa panitikan ng Rusya o ng mga lumisan mula sa bansang ito, at sa panitikang nasa wikang Ruso ng ilang mga bansang malalaya na dating bahagi ng Rusya o Unyong Sobyet. Bago ang ika-19 daangtaon, ang mga binhi ng tradisyon ng panitikang Ruso ay ipinunla ng mga makata, mga mandudula, at mga manunulang katulad nina Gavrila Derzhavin, Denis Fonvizin, Alexander Sumarokov, Vasily Trediakovsky, Nikolay Karamzin at Ivan Krylov. Mula bandang kapanahunan ng 1830 sumailalim ang panitikang Ruso sa isang kamangha-manghang ginintuang panahon, na nagsimula sa makata at nobelistang si Alexander Pushkin at humantong sa dalawa sa pinakadakilang mga nobelista sa panitikan ng mundong sina Leo Tolstoy at Fyodor Dostoyevsky, at sa manunulat ng maikling kuwento at mandudulang si Anton Chekhov. Kabilang sa nangungunang mga katauhan sa panitikang Ruso ng ika-21 daangtaon ang pandaigdigang kinikilalang mga makatang katulad nina Alexander Blok, Sergei Yesenin, Anna Achmatova, Marina Tsvetaeva, Osip Mandelstam, Boris Pasternak, Joseph Brodsky, Vladimir Mayakovsky at mga manunulat ng prosang sina Maxim Gorky, Ivan Bunin, Vladimir Nabokov, Mikhail Sholokhov, Mikhail Bulgakov, Andrey Platonov, at Aleksandr Solzhenitsyn.


PanitikanRusya Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.