Pumunta sa nilalaman

Ruta ng administrasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang ruta ng administrasyon sa parmakolohiya at toksikolohiya ay isang daan na kung saan ang gamot, lusaw o fluid, lason, o iba pang sustansiya na ipapasok sa katawan.[1] Pangkalahatang naiiuuri ang mga ruta ng administrasyon batay sa lokasyon na kung saan ilalagay ang sustansiya. Ang mga kadalasang halimbawa nito ay ang oral (bibig) at administrasyong intravenous (sa loob ng ugat/bena). Maaari ding maiuri ang mga ruta batay sa kung saan dapat ito umepekto. Ang aksiyong ito ay maaaring topikal (lokal), enteral (epekto sa sistema, subalit idinadala sa sistemang panunaw), o parenteral (aksiyong sistemiko, subalit maaaring madalá ng mga ruta bukod sa sistemang panunaw).

  1. TheFreeDictionary.com > route of administration Citing: Jonas: Mosby's Dictionary of Complementary and Alternative Medicine. 2005, Elsevier.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]