Dermatitis
Ang dermatitis o dermataytis ay isang masaklaw o pangkalahatang katawagan sa sakit sa balat na mayroong pamamaga ng balat (katulad ng mga pantal, at iba pa).[1][2] Karaniwang isa itong tugon, reaksiyon, o ganting-kilos ng iba't ibang uri ng dermatitis dahil sa partikular na mga bagay na nakakasanhi ng alerhiya (mga alerheno). Maaari ring gamitin ang salitang ito para tukuyin ang eksema, na kilala rin bilang dermatitis na eksema, eksemang dermatitis, o maeksemang dermatitis. Kalimitang nagpapahiwatig ang isang diyagnosis ng eksema ng atopikong dermatitis, dermatitis ng kabataan, o dermatitis ng kamusmusan, subalit kung walang nararapat na konteksto o diwa ay isa lamang "pamamantal".
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. Dermatitis - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ "Dermatitis, skin disease". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 50.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.