Pumunta sa nilalaman

Solomon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Salomon)
Salomon ni Pedro Berruguete.

Si Salomon o Solomon (Ebreo: Shlomo) ay, ayon sa Hebreong Bibliya ang hari ng Kaharian ng Israel (nagkakaisang monarkiya).Ayon sa Koran, isang propeta, anak ni Dawud (David) at kilala bilang Sulayman o Sulaiman. Ang mga kuwento ng Bibliya ay nagkikilala rin sa kaniya bilang anak ni David.[1] Siya ay tinawag rin na Jedidiah sa 2 Samuel 12:25, at inilalarawan bilang pangatlong hari ng Pinag-isang Monarkiya, at ang huling hari bago nang pagkakahati nito sa dalawa bilang hilagang Kaharian ng Israel (Samaria) at timog na Kaharian ng Juda. Pagkatapos ng paghihiwalay, ang kaniyang mga supling ay namuno sa Juda lamang.

Ang Ebreong Bibliya ay tumutukoy kay Salomon bilang nagpatayo ng Templo ni Solomon sa Herusalen,[2] at inilalarawan siyang dakila sa katalinuhan, kayamanan at kapangyarihan ngunit sa huli ay bilang isang hari na ang mga pagsasala ay naging sanhi ng pagkakahati ng kaharian sa dalawa noong pamamahala ng anak niyang si Rehoboam.[3] Si Salomon ay naging paksa ng marami pang ibang mga salaysay at alamat.

Ebidensiyang arkeolohikal laban sa Kaharian ni Solomon na inilalarawan sa Bibliya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa arkeologong Israeli na si Israel Finkelstein at Silberman na sumulat ng The Bible Unearthed: Archaeology's New Vision of Ancient Israel and the Origin of Its Sacred Texts,[4], sa panahon ng Kaharian ng Israel (nagkakaisang monarkiya) nina David at Solomon, ang Herusalem ay may populasyon lamang ng 100 o kaunti na salungat sa inilalarawan sa Bibliya na ang imperyo ni David at Solomon ay mula saIlog Eufrates hanggang Eilath. Ayon sa aklat ni Finkelstein na The Bible Unearthed, ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakitang ang "Kaharian ng Israel" sa panahon ni Solomon ay isa lamang maliit na lungsod kaya hindi posibleng si Solomon ay tumanggap ng tributo na 666 talento ng ginto kada taon. Ayon din kay Finkelstein, ang pinakamaagang independiyenteng reperensiya sa Kaharian ng Israel ay noong 890 BCE at sa Kaharian ng Juda ay noong 750 BCE. Dahil sa pagkiling at propaganda ng mga may akda ng Bibliya, inalis nito ang mga natamo ng kaharian ni Omri na inilarawan sa Bibliya na mga politeista at nilagay sa sinasabing gintong kapanahunan ng monoteismo at sa mga deboto ng pakisyong maka-Yahweh. Ayon sa iskolar na si Thomas L. Thompson. ang Herusalem ay naging siyudad laman noong gitnang ika-7 siglo BCE.[5] Sa karagdagan, sinabi ni Finkelstein na walang ebidensiyang ang Templo ni Solomon ay umiral.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=129&letter=T
  2. http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=129&letter=T
  3. Peter J. Leithart, A House for My Name, 157, Canon Press, 2000.
  4. Finkelstein & Silberman 2001, p. 133.
  5. Thompson, Thomas L., 1999, The Bible in History: How Writers Create a Past, Jonathan Cape, London, ISBN 978-0-224-03977-2 p. 207



Israel Ang lathalaing ito na tungkol sa Israel ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.