Pumunta sa nilalaman

Salpakan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Salpakan
Mga manlalaro 3 (kasama ang arbiter)
Oras sa pag-aayos 1 minuto
Haba ng paglalaro Kadalasang nagtatagal ng sampu hanggang animnapung minuto
Pangangailangan sa tsansa Mayroon
Kailangang talento Taktika, Stratehiya, Psykolohiya

Ang Salpakan o Game of the Generals sa Ingles ay isang larong-dekarton (boardgame), o larong may manipis at nailalatag na karton, na inimbento ng Pilipinong imbentor na si Ronnie Pasola [1]. Ito ay may kahawig sa larong ahedres. Ang konsepto ng larong ito ay ang bandila (isang piyesa) ay makarating sa dulo ng board (sa kampo ng kalaban).

Ito ay inimbento ni Ronnie Pasola noong Agosto 1967 kung saan ang mag-amang Pasola (si Sofronio Pasola Jr.) ay sinusubukan gumawa ng bagong laro na halaw sa Ahedres pero makabagong paraan ng digmaan ang ginagamit. Ang mga sine ni James Bond at Mata Hari ang nagpaalala kay Ronnie Pasola na maglagay ng mga espiya (spy) sa laro. [2] Ang unang opisyal na laro ng Salpakan ay noong Pebrero 28, 1973 sa Makati kung saan si Francisco S. Tatad (Information Secretary nang panahong iyon) ang naging bisita. Iyon din ang unang palaro ng Salpakan. [3] Sa kasalukuyan di aktibo ang mga GG Clubs pero mayroon paring ilang lokal na palaro para sa larong ito.

Piyesa Bilang ng Piyesa Gamit
Five-star na Heneral 1 Tinatanggal ang piyesang may mababang antas, ang sundalo, at ang bandila.
Four-star na Heneral 1 Tinatanggal ang piyesang may mababang antas, ang sundalo, at ang bandila.
Three-star na Heneral 1 Tinatanggal ang piyesang may mababang antas, ang sundalo, at ang bandila.
Two-star na Heneral 1 Tinatanggal ang piyesang may mababang antas, ang sundalo, at ang bandila.
One-star na Heneral 1 Tinatanggal ang piyesang may mababang antas, ang sundalo, at ang bandila.
Koronel 1 Tinatanggal ang piyesang may mababang antas, ang sundalo, at ang bandila.
Tenyente Koronel 1 Tinatanggal ang piyesang may mababang antas, ang sundalo, at ang bandila.
Mayor 1 Tinatanggal ang piyesang may mababang antas, ang sundalo, at ang bandila.
Kapitan 1 Tinatanggal ang piyesang may mababang antas, ang sundalo, at ang bandila.
Unang Tinyente (1st Lieutenant) 1 Tinatanggal ang piyesang may mababang antas, ang sundalo, at ang bandila.
Ikalawang Tinyente (2nd Lieutenant) 1 Tinatanggal ang sergeant, ang sundalo, at ang bandila.
Sarhento (Sergeant) 1 Tinatanggal ang sundalo at ang bandila.
Sundalo (Regular Private) 6 Tinatanggal ang Espiya at ang bandila
Espiya 2 Tinatanggal ang lahat ng piyesang may antas (5 Star hanggang Sergeant) at ang bandila.
Bandila 1 Tinatanggal ang kalaban na bandila basta siya ang umatake dito.
  • Kung ang mga piyesa ay may pantay na antas, parehas sila tatangalin.
  • Kung ang bandila ay nakatunggali (nakain) ng kaparehong bandila ng kalaban, ang kalaban ay panalo.

Mga pinagkuhaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Booklet of the Game of the General, Mind Masters Inc., 1972
  2. "SalpakanOnline Laro". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-05. Nakuha noong 2021-08-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Booklet of the Game of the Generals, Mind Masters Inc., 1972