Pumunta sa nilalaman

San Giuseppe dei Falegnami

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Patsada ng simbahan

Ang San Giuseppe dei Falegnami (Italyano, "San Jose ng mga Karpentero") ay isang Katoliko Romanong simbahan na matatagpuan sa Forum sa Roma, Italya.

Noong 1540, pinauupahan ng Kongregasyon ng mga Karpentero ang dating simbahan ng San Pietro sa Carcere na matatagpuan sa ibabaw ng Bilangguang Mamertine, na ayon sa alamat ay bumihag kanila San Pedro at San Pablo.[1] Noong 1597 nagsimula ang trabaho sa bagong simbahan, na inialay sa patron ng mga karpentero, si San Jose. Ang paunang arkitekto ay si Giacomo della Porta. Nagpatuloy ang paggawa pagkalipas ng 1602 sa ilalim ng direksyon ni Giovanni Battista Montano, na nagdisenyo ng patsada, at sa kaniyang pagkamatay (1621) ay ipinagpatuloy ng ng kaniyang mag-aaral na si Giovanni Battista Soria. Ang simbahan ay nakumpleto noong 1663 ni Antonio Del Grande. Ang simbahan ay ipinanumbalik noong 1886 sa pagtatayo ng isang bagong abside.

Noong dekada '30, ang patsada ay itinaas sa itaas ng sahig upang payagan ang direktang pagpunta sa bilangguan sa ibaba. Ang loob ay may isang nave na may dalawang kapilya sa gilid na pinalamutian noong ikalabingsiyam na siglo. Kabilang sa mga pinta ay ang Kapanganakan (1651) ni Carlo Maratta. Sa tabi ng simbahan ay isang oratoryo, na may kisame na gawa sa kahoy, at ang ika-16 na siglo na Kapilya ng Krusipiho, na inilagay sa pagitan ng sahig ng simbahan at ng kisame sa ibaba ng Bilangguang Mamertine.

Noong 18 Pebrero 2012, ito ay naging isang simbahang titulo, na ginawaran ng kauna-unahan nitong Kardinal-Diyakono.

Noong 30 Agosto 2018, nagkaroon ng isang bahagyang pagbagsak ng bubong ng simbahan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The Roman Forum by David Watkin 2009 ISBN 0-674-03341-8 page 128