Sant'Andrea della Valle
Simbahan ng San Andrés ng Lambak Sant'Andrea della Valle (sa Italyano) S. Andreæ Apostoli de Valle (sa Latin) | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Probinsya | Diyosesis ng Roma |
Rehiyon | Lazio |
Pamumuno | Dieudonné Nzapalainga, CSSR |
Taong pinabanal | 1650 |
Lokasyon | |
Lokasyon | Roma, Italya |
Mga koordinadong heograpikal | 41°53′45″N 12°28′28″E / 41.89583°N 12.47444°E |
Arkitektura | |
Uri | Simbahan |
Istilo | Renasimyento |
Groundbreaking | 1590 |
Nakumpleto | 1650 |
Ang Sant'Andrea della Valle ay isang basilika menor sa rione ng Sant'Eustachio ng lungsod Roma, Italya. Ang basilicka ay pangkalahatang upuan para sa relihiyosong orden ng Teatino. Matatagpuan ito sa Piazza Vidoni, 6 sa lanto ng Corso Vittorio Emanuele (humaharap sa patsada) at Corso Rinascimento.
Pagsasalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa gitna ay tinatanaw ng malaking bintana ang portada, habang sa mga gilid ay may mga nitsong may mga estatwa at pekeng bintana. Ang mga estatwa sa mga nitso ay Sina Domenico Guidi (San Gaetano at San Sebastiano) at Ercole Ferrata (Sant'Andrea Apostolo at Sant'Andrea Avellino).
Organong tubo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Sant'Andrea della Valle ay tahanan ng dalawang manual, 36 hintuang organong tuba. Orihinal na ginawa noong 1845, ito ay kasalukuyang pinananatili ni Stefano Buccolini ng Organi Buccolini sa Roma.[1] Ang kasalukuyang organista ng basilica ay naglalaro sa St. Andrea della Valle mula noong Enero 2017 at madalas maririnig na nagsasanay tuwing weekday ng hapon.