Pumunta sa nilalaman

Sant'Andrea al Quirinale

Mga koordinado: 41°54′2.6″N 12°29′21.7″E / 41.900722°N 12.489361°E / 41.900722; 12.489361
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Simbahan ng San Andrés sa Quirinal
Sant'Andrea al Quirinale (sa Italyano)
S. Andreae in Quirinali (sa Latin)
Patsada ng Sant'Andrea al Quirinale, nagtataglay ng eskudo ni Kardinal Camillo Francesco Maria Pamphili.
Relihiyon
PagkakaugnayKatoliko Romano
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyonKumbento simbahan, Titulus
PamumunoOdilo Scherer
Lokasyon
LokasyonRoma, Italya
Mga koordinadong heograpikal41°54′2.6″N 12°29′21.7″E / 41.900722°N 12.489361°E / 41.900722; 12.489361
Arkitektura
(Mga) arkitektoGian Lorenzo Bernini
UriSimbahan
IstiloBaroque
Groundbreaking1658
Nakumpleto1670
Direksyon ng harapanHilagang kanluran
Websayt
Official website


Ang Simbahan ng San Andrés sa Quirinal (Italyano: Sant'Andrea al Quirinale, Latin: S. Andreae in Quirinali) ay isang Romanong simbahang titulo sa Roma, Italya, na itinayo bilang Heswitang seminaryo sa Burol Quirinal.

Ang simbahan ng Sant'Andrea, isang mahalagang halimbawa ng arkitektura ng Romanong Baroque, ay idinisenyo ni Gian Lorenzo Bernini kasama ni Giovanni de'Rossi. Natanggap ni Bernini ang komisyon noong 1658 at ang simbahan ay itinayo noong 1661, bagaman ang panloob na dekorasyon ay hindi natapos hanggang 1670. Ang pook ay dating kinalalagyan ng isang ika-16 na siglo na simbahan, ang Sant'Andrea a Montecavallo.

Kinomisyon ni dating Kardinal Camillo Francesco Maria Pamphili, na may pag-apruba ni Papa Alejandro VII, ang Sant'Andrea ang pangatlong simbahang Heswitang itinayo sa Roma, pagkatapos ng Simbahan ng Gesù at Sant'Ignazio. Ito ay upang maglingkod sa mga nobisyadong Heswita, na itinatag noong 1566. Itinuring ni Bernini na ang simbahan ang isa sa kanyang pinakaperpektong obra; naalala ng kaniyang anak na si Domenico na sa kaniyang mga huling taon, gumugol si Bernini ng maraming oras na umupo sa loob nito, na pinahahalagahan ang nagawa niya. [1]

Nagsilbi ito bilang simbahang titulo ng Brazilyanong Kardinal Odilo Scherer mula 2007.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hibbard, Howard.1986 edn. Bernini, Pelican, p.148