Gian Lorenzo Bernini

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Gian Lorenzo Bernini
Kapanganakan 7 Disyembre 1598
Napoli
Kamatayan 28 Nobyembre 1680
Roma
Hanapbuhay eskultor, alagad ng sining, pintor, Arkitekto
Pananampalataya Katolisismo
Anak Domenico Bernini
Mga magulang Pietro Bernini

Si Giovanni Lorenzo Bernini (ipinanganak sa Naples, 7 Disyembre 1598 – namatay sa Roma, 28 Nobyembre 1680), na mas nakikilala bilang Gianlorenzo Bernini, Gian Lorenzo Bernini, o Giovanni Lorenzo, ay isa sa pinakamahusay na artista ng sining noong kapanahunan ng Barok sa Italya. Naging tanyag siya dahil sa kaniyang mga lilok at sa kaniyang arkitektura.[1] Mula 1527, nagtrabaho siya para kay Papa Urbano XIII at pagkaraan ay para kay Papa Alejandro VII sa Basilika ni San Pedro, kung saan niya idinisenyo ang bantog na piazza ("lugar") na nasa harapan ng basilika at ang maraming mga kahanga-hangang bagay na nasa loob nito. Pangunahin siyang naghanapbuhay sa Italya lamang. Siya ang nangungunang manlililok noong kaniyang kapanahunan, at sa kaniya ikinakabit ang paglikha ng estilo ng eskulturang Barok (Baroque o Baroko).[2] Bilang karagdagan, nagpinta rin siya ng mga larawan, nagsulat ng mga dula, at nagdisenyo ng mga akdang-metal at mga bagay na panglagay sa entablado.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Gian Lorenzo Bernini". Encyclopædia Britannica Online. Encyclopædia Britannica. Retrieved 2012-12-06. 
  2. Boucher, Bruce (1998). Italian Baroque Sculpture. Thames & Hudson (World of Art). pp. 134–42. ISBN 0500203075. 



TalambuhayItalyaSining Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Italya at Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.