Pumunta sa nilalaman

Santa Maria di Montedoro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Santa Maria di Montedoro.

Ang Simbahan ng Santa Maria di Montedoro (dating tinawag na Monte Moro) ay isang gusaling pangrelihiyon sa Montefiascone, gitnang Italya, na matatagpuan sa paanan ng isang burol, tatlong kilometro ang layo mula sa lungsod, sa Strada Verentana.

Ang plano nito ay sinimulan ni Antonio da Sangallo ang Nakababata habang siya ay abala sa pagpapanumbalik ng Palazzo Papale sa Montefiascone, na kinomisyon ni Papa Leo X. Ang proyekto ng simbahan na ito ay nagkaroon ng mga ekonomikong sagabal dahil sa isang matinding salot noong 1523, at kalaunan ay kinumpleto ng arkitektong si Pietro Tartarino.

Ang Pagpapako sa Krus.