Pumunta sa nilalaman

Santo Domingo, Republikang Dominikano

Mga koordinado: 18°28′35″N 69°53′36″W / 18.4764°N 69.8933°W / 18.4764; -69.8933
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Santo Domingo, Republikang Dominikano

Santo Domingo de Guzmán
lungsod, big city
Eskudo de armas ng Santo Domingo, Republikang Dominikano
Eskudo de armas
Palayaw: 
Ciudad primada de América
Map
Mga koordinado: 18°28′35″N 69°53′36″W / 18.4764°N 69.8933°W / 18.4764; -69.8933
Bansa Republikang Dominikano
LokasyonDistrito Nacional, Republikang Dominikano
Itinatag1496 (Huliyano)
Ipinangalan kay (sa)Santo Domingo
Lawak
 • Kabuuan1,302.2 km2 (502.8 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2021)
 • Kabuuan1,128,678
 • Kapal870/km2 (2,200/milya kuwadrado)
Websaythttps://adn.gob.do/

Ang Santo Domingo (pagbigkas sa wikang Kastila: [ˈsanto ðoˈmiŋɡo] hango kay "Santo Domingo"), na minsan nakilala bilang Santo Domingo de Guzmán, ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod sa Republikang Dominikano at ang pinakamalaking kalakhan lugar sa Karibe ayon sa populasyon.[1] Noong 2010, umabot ang kabuuang populasyon sa 2,908,607,[2] kapag kabilang ang kalakhang lugar.[3] May mga kaparehong hangganan ang lungsod sa Distrito Nacional ("D.N.", "Pambansang Distrito"), napapaligiran nito ang sarili ng tatlong sulok ng Lalawigan ng Santo Domingo.

Itinatag ng mga Kastila noong 1496, sa silangang pampang ng Ilog Ozama at nilpat ito pagkatapos ni Nicolás de Ovando noong 1502 sa kanlurang pampang ng ilog, ang lungsod ang pinakamatandang patuloy na nasasakupang panirahang Europeo sa mga Amerika, at ang unang luklukan sa pamunuang kolonyal ng Espanya sa Bagong Mundo. Sa Santo Domingo matatagpuan ang unang pamantasan, katedral, kastilyo, at muog sa Bagong Mundo. Idineklera ang Sonang Kolonyal ng lungsod bilang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.[4][5] Tinawag ang Santo Domingo bilang Ciudad Trujillo (pagbigkas sa wikang Kastila: [sjuˈðað tɾuˈxiʝo]), mula 1936 hanggang 1961, na ipinangalan ng diktador ng Republikang Dominikano na si Rafael Trujillo sa kanyang sarili. Pagkatapos ng pataksil na pagpatay sa kanya, ibinalik ang orihinal na pangalan ng lungsod.

Sentro ang Santo Domingo ng kalinangan, politika, komersyo, pananalapi at industriya ng Republikang Dominikano, na may mga mahahalagang industriya ng bansa na narito sa lungsod na ito. Nagsisilbi din ang Santo Domingo bilang pangunahing daungang-dagat ng bansa. Nasa bunganga ng Ilog Ozama ang daungan ng lungsod na tumatanggap ng malalaking sasakyang pandagat, at pinamamahalaan ng puwerto ang parehong madaming pasahero at pagkilos ng kargamento. Mataas ang temperatura sa buong taon, na may malamig na simoy sa panahon ng tag-niyebe.

Mga sangguian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. City Mayors: Local government in the Caribbean (sa Ingles)
  2. IX Census (sa Ingles)
  3. Expansión Urbana de las ciudades capitales de RD: 1988-2010 (sa wikang Kastila). Santo Domingo: Oficina Nacional de Estadística. 1 Mayo 2015. ISBN 978-9945-8984-3-9. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hulyo 2016. Nakuha noong 25 Enero 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Colonial City of Santo Domingo – UNESCO World Heritage Centre (sa Ingles)
  5. Comisiones Nacionales: UNESCO (sa Ingles)