Sarsang espagnole
Ibang tawag | Espanyola |
---|---|
Uri | Sarsa |
Kaugnay na lutuin | Pranses |
Pangunahing Sangkap | Sabaw ng karne, kayumangging roux |
|
Ang sarsang espagnole o espanyola ay isang simpleng sarsang kayumanggi, at isa sa mga inang sarsa ng klasikong lutuing Pranses. Noong unang bahagi ng ika-19 na siglo, isinama ito ng kusinero na si Antonin Carême sa kanyang listahan ng mga pangunahing sarsa ng lutong Pranses. Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, pinangalanan ito ni Auguste Escoffier bilang isa sa limang sarsa sa gitna ng lutuing Pranses.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang "espagnole" ay "Espanyol" (o Kastila) sa wikang Pranses. Maraming sarsang Pranses ang pinangalanan sa mga bansa, gaya ng sarsang hollandaise (Olanda) o crème anglaise (Inglatera). Sa pangkalahatan, pinili ang pangalan ng bansa bilang pagpupugay sa isang makasaysayang kaganapan o dahil nagpapahiwatig ang nilalaman ng sarsa sa bansang iyon. Sa kaso ng sarsang Espanyol, pinaniniwalaan na ibinigay ang pangalan dahil sa pulang kulay nito, na may koneksyon sa Espanya.[1]
Kasunod nito, maraming mga alamat ang nilikha upang ipaliwanag ang pangalan nito. Sinasabi, halimbawa, na si Ana ng Austriya – sa kabila ng kanyang pangalan ay Kastila – ay nagpakilala ng mga tagapagluto mula sa Espanya sa mga kusina ng korteng Pranses at pinahusay ng kanyang mga tagapagluto ang sarsang kayumanggi ng mga Pranses sa pagdaragdag ng mga kamatis.[2]:74 Tinutukoy ng isang katulad na kuwento ang mga tagapagluto ng Espanyol na nagtatrabaho para sa asawa ni Louis XIV, Maria Teresa ng Espanya.[3] Isa pang mungkahi ay noong ika-17 siglo, ipinakilala ang Kastilang bacon at hamon bilang karne para sa sabaw kung saan nakabatay ang sarsa, kaysa sa tradisyonal na baka.[4]:412-413 Walang makasaysayang katibayan na mayroong mga Kastilang tagapagluto sa mga kusina ng korteng Pranses, kaya mukhang hindi totoo ang mga alamat na ito.[5]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumilitaw ang terminong "sauce espagnole" sa aklat panluto ni Vincent La Chapelle noong 1733, Le Cuisinier moderne, ngunit walang nakalagay na resipi.[6]:163 Nag-imprenta si Antonin Carême ng detalyadong resipi sa kanyang aklat noong 1828, Le Cuisinier parisien.[7] Pagsapit ng gitna ng ika-19 na siglo, pamilyar na ang sarsa sa mundong nag-i-Ingles: sa Modern Cookery ng 1845, nagbigay si Eliza Acton para rito, isa na dinagdagan ng alak at isa na wala.[8]:105–106 Isinama ang sarsa sa klasipikasyon ni Auguste Escoffier noong 1903 ng limang inang sarsa, kung saan nakasalalay ang karamihan ng niluluto sa lutuing Pranses.[9]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Group, Octopus Publishing (2001). Larousse Gastronomique (sa wikang Ingles). Octopus Publishing Group. ISBN 978-0-600-60688-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Diat, Louis (1979). Gourmet's Basic French Cookbook [Saligang Aklat Panluto ng Gourmet] (sa wikang Ingles). New York: Gourmet Books. OCLC 1107861618.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nguyen, Stephane. "French Cooking Academy", sa 1m 05 segundo pataas.
- ↑ Dallas, E. S. (1877). Kettner's Book of the Table [Aklat ni Kettner ng Lamesa] (sa wikang Ingles). London: Dulau. OCLC 771590401.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ nationales (France), Archives; Curzon, Henri de; roi, France Ministère de la maison du (1977). Répertoire numérique des archives de la Maison du roi : (Série O1) (sa wikang Pranses). Kraus Reprint.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ La Chapelle, Vincent (1733). The Modern Cook [Ang Modernong Tagaluto] (sa wikang Ingles). London: Nicolas Prevost. OCLC 1328833700.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Carême, Antonin (1834). The Royal Parisian Pastrycook and Confectioner [Ang Royal na Parisinong Pastelero at Konpitero] (sa wikang Ingles). London: F. J. Mason. OCLC 15160719.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Acton, Eliza (1845). Modern Cookery [Modernong Pagluluto] (sa wikang Ingles). London: Longman, Brown, Green. OCLC 776237549.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "An Introduction to the 5 French Mother Sauces" [Pagpapakilala sa 5 Inang Sarsa ng Pransiya] (sa wikang Ingles), Escoffier online. Retrieved 13 Enero 2023