Pumunta sa nilalaman

Sciara, Sicilia

Mga koordinado: 37°55′N 13°46′E / 37.917°N 13.767°E / 37.917; 13.767
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sciara

Xara
Comune di Sciara
Lokasyon ng Sciara
Map
Sciara is located in Italy
Sciara
Sciara
Lokasyon ng Sciara sa Italya
Sciara is located in Sicily
Sciara
Sciara
Sciara (Sicily)
Mga koordinado: 37°55′N 13°46′E / 37.917°N 13.767°E / 37.917; 13.767
BansaItalya
RehiyonSicilia
Kalakhang lungsodPalermo (PA)
Lawak
 • Kabuuan31.19 km2 (12.04 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan2,813
 • Kapal90/km2 (230/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
90020
Kodigo sa pagpihit091

Ang Sciara (Xara sa Siciliano; bigkas sa Siciliano: [ˈʃara]) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Palermo, rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya, na matatagpuan mga 40 kilometro (25 mi) timog-silangan ng Palermo. Noong Disyembre 31, 2004, mayroon itong populasyon na 2,788 at may sukat na 31.2 square kilometre (12.0 mi kuw).[3]

May hangganan ang Sciara sa mga sumusunod na munisipalidad: Aliminusa, Caccamo, Cerda, at Termini Imerese.

Ang Sciara ay isang maliit na bayan ng pagsasaka. Ang mga pangunahing pananim ay mga kamatis, alkatsopas, at olibo. Maraming bahay ang walang laman dahil sa paglipat sa hilaga ng Italya, Alemanya, at Estados Unidos noong dekada '70, '80, atbp., dahil sa mahihirap na kalagayan sa ekonomiya. Maraming mga emigrante ang nagmamay-ari pa rin ng kanilang lupa at bahay sa Sciara at ipinagmamalaki ang kanilang bayan.

Ang Sciara ay itinatag noong 1671 ni Prinsipe Filippo Notarbartolo, sa ilalim ng pormal na awtorisasyon ng maharlikang utos ni Carlos II ng España na inilabas noong Nobyembre 13, 1671. Ang Sciara ay isa sa higit sa 30 dominyong fief na pag-aari ng Pamilya Notarbartolo.

Ebolusyong demograpiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.