Pumunta sa nilalaman

Cefalù

Mga koordinado: 38°02′N 14°01′E / 38.033°N 14.017°E / 38.033; 14.017
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Cefalù

Cifalù (Sicilian)
Comune di Cefalù
Eskudo de armas ng Cefalù
Eskudo de armas
Lokasyon ng Cefalù
Map
Cefalù is located in Italy
Cefalù
Cefalù
Lokasyon ng Cefalù sa Italya
Cefalù is located in Sicily
Cefalù
Cefalù
Cefalù (Sicily)
Mga koordinado: 38°02′N 14°01′E / 38.033°N 14.017°E / 38.033; 14.017
BansaItalya
RehiyonSicilia
Kalakhang lungsodPalermo (PA)
Mga frazioneSant'Ambrogio, Gibilmanna
Pamahalaan
 • MayorDaniele Tumminello (PD)
Lawak
 • Kabuuan66.24 km2 (25.58 milya kuwadrado)
Taas
16 m (52 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan14,298
 • Kapal220/km2 (560/milya kuwadrado)
DemonymCefaludesi o Cefalutani
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
90015
Kodigo sa pagpihit0921
Santong PatronSS. Salvatore
Saint dayDisyembre 8
WebsaytOpisyal na website

Ang Cefalù (Italyano: [tʃefaˈlu]; Sicilian: Cifalù), klasikal na kilala bilang Cephaloedium (Sinaunang Griyego: Κεφαλοίδιον, romanisado: Kephaloídion o Kephaloídon), ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Kalakhang Lungsod ng Palermo, rehiyon ng Sicilia, Katimugang Italya, na matatagpuan sa Tirenong baybayain ng Sicilia mga 70 kilometro (43 mi) silangan ng kabesera ng probinsiya at 185 kilometro (115 mi) sa kanluran ng Messina. Ang bayan, na may populasyong mas mababa sa 14,000, ay isa sa mga pangunahing atraksiyong panturista sa rehiyon. Sa kabila ng laki nito, bawat taon ay umaakit ito ng milyon-milyong turista mula sa lahat ng bahagi ng Sicilia, at gayundin mula sa buong Italya at Europa. Ito ay miyembro ng asosasyong I Borghi più belli d'Italia ("Ang pinakamagandang nayon ng Italya").[3]

Ang pangalangg Siciliano ng lungsod ay Cifalù. Pinangalanan ito ng mga Griyego na tinawag itong Kephaloídion (Κεφαλοίδιον)[4] o Kephaloidís ( Κεφαλοιδίς).[5] Ang mga ito ay latinisado bilang Cephaloedium at Cephaloedis.[6] Sa ilalim ng pamumunog Arabe, ito ay kilala bilang Gaflūdī.

Sa ilalim ng pamamahalag Cartago, ito ay kilala bilang "Kabo Melqart" (Padron:Lang-xpu, RŠ MLQRT ), pagkatapos ng Tiriong diyos.[7]

Mga pangunahing tanawin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Cathedral, na nagsimula noong 1131, sa isang estilo ng arkitekturang Norman na mas tumpak na tatawaging Sicilianong Romaniko. Ang panlabas ay mahusay na napanatili, at higit sa lahat ay pinalamutian ng salitang arkong patusok; nakatutok din ang mga bintana. Sa bawat gilid ng patsada ay isang napakalaking tore na may apat na palapag. Ang pabilog sa taas na portadang Normando ay karapat-dapat alalahanin.[8] Ang isang semisirkulong abside ay nakalagay sa silangang dulong pader. Ito ay may kakila-kilabot na imahen ni Kristo Pantacrator (nagpapaalaala sa panahong Bisantino nito). Ang mga nagpapatibay na mga counterfort nito na gumagana tulad ng mga kontrapuwerte, ay hinuhubog bilang magkapares na mga haligi upang gumaan ang kanilang aspekto.[kailangan ng sanggunian] Ang bobedang arista ng bubong ay makikita sa koro at sa kanang transepto, habang ang natitirang bahagi ng simbahan ay may bubong na gawa sa kahoy. Ang mga magagandang klaustro, coeval sa katedral, ay katabi nito.[8]

Dalawang malakas na magkatugmang tore ang nasa gilid ng beranda ng katedral, na may tatlong arko (muling itinayo noong 1400) na tumutugma sa nabe at sa dalawang pasilyo.
Christus Pantokrator sa apsis ng katedral

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Sicilia" (sa wikang Italyano). Nakuha noong 1 Agosto 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Diod.; Strabo.
  5. Ptol.
  6. Pliny.
  7. Head & al. (1911).
  8. 8.0 8.1 Ashby 1911.

Mga sangguniang pangkalahatan o binanggit

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]