Scrabble
Itsura
Mga tagagawa | Hasbro (within U.S. and Canada) Mattel (outside U.S. and Canada) |
---|---|
Mga tagadisenyo | Alfred Mosher Butts |
Mga tagapaglathala | James Brunot |
Paglalathala | 1948 |
Mga uri | Word game Board game |
Mga manlalaro | 2–4 |
Oras ng pag-setup | 2–4 minutes |
Oras ng paglalaro | Tournament game: 50–60 minutes |
Pagkakataon | Medium (letters drawn) |
Mga kasanayan | Vocabulary, spelling, anagramming, strategy, counting, bluffing, probability |
Websayt | scrabble |
Ang Scrabble ay isang laro ng mga salita kung saan dalawa hanggang apat na manlalaro ay mag-iipon ng puntos sa paglalagay ng mga asulehos o tiles na may tig-iisang letra sa isang game board o tabla na may 15×15 na grid na parisukat. Ang mga asulehos ay dapat makabuo ng salita, tulad ng sa krosword, binabasa mula kaliwa pakanan o taas pababa, at dapat nasa diksyunaryo o leksiko ang mga salita.
Ang terminolohiyang Scrabble ay isang markang pangkomersiyal o trademark ng Mattel sa maraming parte ng daigdig, maliban sa Estados Unidos at sa Kanada, kung saan Hasbro ang trademark. Ang laro ay mabenta sa 121 bansa, at asekible sa higit 30 wika. Mahigit 150 milyong set ang nabenta sa buong mundo, at halos isang-katlo ng Amerika at Bretanya.