Pumunta sa nilalaman

Dama (pamagat)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Señora)
Larawan ni Augusta, Dama Gregory, na iniisip ng ilang mga tao, partikular na sa Mundong Kanluranin, bilang kumakatawan sa klasikal na mga katangian ng isang dama.

Ang Dama, na katumbas na salitang Ingles na Lady, na maaari ring katumbas ng mga salitang Binibini (kung dalaga), Ginang (kung may asawa na), Senyorita (kapag dalaga), Senyora (kapag may asawa), o Madam (kung may-asawa, maaari ring Mesdame, Madame o Dame sa Pranses, o kaya Madamoiselle kapag dalaga), ay isang magalang na katawagan para sa isang babae, partikular na ang babaeng katumbas o asawa ng isang Panginoon o Ginoo, at sa maraming mga diwa o konteksto ay isang kataga para sa anumang babaeng adulto o nasa husto nang gulang o edad. Sa kadalasan, ito ay tumutukoy sa o may kahulugan bilang isang "mahinhing babae" o "mahinhing dalaga".[1] Dating tumutukoy nang may katiyakan sa kababaihan na mayroong mataas na uri, klase, o katayuan, sa loob ng huling 300 mga taon ito lumaganap na sumasaklaw sa lahat ng mga babaeng nasa wastong edad o adultong kababaihan, bagaman sa ilang diwa ay maaari pa ring gamitin upang makapukaw ng konsepto ng pamantayang ugali na matatagpuan sa isang kagalang-galang na babae.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Lady", LingvoSoft Online Dictionaries

Tao Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.