Pumunta sa nilalaman

Secret Garden: An Inky Treasure Hunt and Colouring Book

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Secret Garden: An Inky Treasure Hunt and Colouring Book
May-akdaJohanna Basford
BansaReyno Unido
WikaIngles
Nilathala2013
TagapaglathalaLaurence King Publishing
Uri ng midyaNakalimbag
Mga pahina96
ISBN978-1780671062
Websaythttps://www.johannabasford.com/book/secret-garden/

Ang Secret Garden: An Inky Treasure Hunt and Colouring Book ay isang librong pangkulay para sa mga matatanda na naiakda ni Johanna Basford at nailathala noong 2013. Ang aklat ay may 40 na bersyon sa iba't ibang bansa at nakapagbenta ng mahigit 8 milyong kopya,[1] na naging isa sa mga pinakamabentang aklat sa Amazon.[2]

Nilapitan si Basford ng Laurence King Publishing noong 2011 matapos makita ng tagapaglathala ang trabaho ni Basford. Habang nagnais ang tagapaglathala ng isang librong pangkulay para sa mga bata noong una, iminungkahi ni Basford ang isang librong pangkulay para sa mga matatanda.[2] Si Basford ay naging inspirasyon ng ilan sa kanyang mga kliyente na nagbibiro sa kanya na masisiyahan sila sa pagkulay sa kanyang trabaho, na madalas na ginagawa sa black and white.[3] Sa una, nag-aatubili ang tagapaglathala na ilabas ang isang hindi karaniwan na libro, ngunit sa huli ay nagbigay daan sila at mabilis na naubos ang mga unang kopya.[3] Ang tagumpay ng libro ay madalas na binabanggit bilang pagsisimula ng pag-uso ng mga librong pangkulay para sa mga matatanda.[2][3]

Minodelo ang libro sa mga hardin ng Brodick Castle sa Pulo of Arran kung saan naglaro si Basford noong bata pa siya.[4] Noong Agosto 2015, nakabenta ang libro ng 6.8 milyong kopya sa buong mundo[5] at inilunsad ang uso ng pangkulay para sa mga nasa hustong gulang. Naglabas si Basford ng dalawa pang mga aklat: Enchanted Forest: An Inky Quest & Coloring Book noong Pebrero 2015,[6] at Lost Ocean: An Inky Adventure and Coloring Book noong Oktubre 2015.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Fraser, Douglas (2015-10-27). "Ink evangelist Johanna Basford makes it big". BBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Herman, Barbara (2015-03-30). "'Secret Garden' Colouring Book Outsells Harper Lee As Adults Seek 'Digital Detox". International Business Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2015-03-30.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Boztaz, Senay; Freeman, Colin (2016-03-19). "Colouring-in craze causes pencil shortages". Telegraph.co.uk (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2016-04-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Frank, Priscilla (2015-03-24). "A Colouring Book For Adults, Because Everyone Deserves To Unleash Their Inner Creative". The Huffington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2015-03-30.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Flood, Alison (2015-08-27). "Secret Garden colouring-in book sells 3m copies in China". The Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Artist Goes Outside The Lines With Coloring Books For Grown-Ups". NPR (sa wikang Ingles). 2015-04-01. Nakuha noong 2022-03-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Anderson, Elizabeth (2015-10-28). "Illustrator Johanna Basford launches Lost Ocean as adult colouring book craze sweeps the world". Telegraph.co.uk (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-03-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Karagdagang mga babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]