Kalihim-Panlahat ng Mga Bansang Nagkakaisa
Ang Kalihim-Heneral ng Mga Nagkakaisang Bansa ay ang pinuno ng kalihiman, isa sa mga pangunahing bahagi ng Mga Bansang Nagkakaisa. Ang kalihim-heneral ang itinuturing na tagapagsalita at pinaka-pinuno ng Mga Bansang Nagkakaisa.
Ang kasalukuyang Kalihim-Heneral ay si António Guterres ng Portugal, na naluklok noong 1 Enero 2017. Si Guterres ay pumalit kay Ban Ki-moon ng Timog Korea natapos ang termino noong 31 Disyembre 2016.
Katungkulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kalihim-Heneral ay ang nais ni Franklin Roosevelt na tagapamagitan sa buong mundo, ngunit ayon sa saligan ng Mga Bansang Nagkakaisa ito ang magiging pinaka-pinuno. (Artikulo 97).
Ang opisyal na panuluyan ng Kalihim-Heneral ay isang limang palapag na panuluyan sa pamayanan ng Sutton Place sa Manhattan sa lungsod ng Bagong York. Ang gusaling iyon ay itanayo para kay Anne Morgan noong 1921, at ibinigay bilang donasyon sa Mga Bansang Nagkakaisa nooong 1972.[1]
Termino at Pamimili
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga Kalihim-Heneral ay nagsisilbi ng limang taong taning na maaaring maulit ng isang beses (hanggang dalawang taning lamang). Ang Karta ng Mga Bansang Nagkakaisa ay nagtatakda na ang Kalihim-Heneral ay maitalaga ng Asemblea Heneral matapos iharap ng Kapulungang Panseguridad. Kaya maaari itong pigilan o hindi sang-ayunan ng isa sa limang permanenteng kasapi ng Kapulungang Panseguridad.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Teltsch, Kathleen. "Town House Offered to U. N.", The New York Times, 15 Hulyo 1972. Hinango noong 15 Enero 2009.