Pumunta sa nilalaman

Seismograpo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang ginayang wangis ng sinaunang seismograpong inimbento ni Zhang Heng.

Ang seismograpo o seismometro ay isang instrumentong nakapupuna ng mga lindol. Ginagamit ang aparatong ito upang mapag-alaman kung saan ang pinangyarihan ng lindol, para sa lugar na iyon makapagpadala ng saklolo.[1]

Naimbento ni Zhang Heng sa Tsina ang unang seismometro noong mga 100 AD, na may sukat na tatlong talampakan kung pahalang. Mayroon itong walong wangis ng mga ulo ng dragon sa palibot ng itaas na bahagi. Nagtatangan ng isang bola sa bibig ang bawat isang dragon. Kapag naganap ang isang paglindol, yumayanig ang aparato, babagsak ang isang bola mula sa bibig ng isang dragon pabagsak na patungo sa bibig ng isang palakang nakaabang sa ibaba. May walong katumbas na palaka ang mga dragon. Pinaaalam ng bolang bumagsak ang direksiyon ng gitna ng lindol.[1]

Sa loob ng seismograpong ito, mayroon ding isang nakabiting pabigat na nasa gitna ng instrumento. Kapag umuga ang seismograpo, iindayog din ang pabigat. May mga dalawit o panghalikwat na nagkakawing ng nasabing pabigat sa mga ulo ng mga dragong nasa labas ng instrumento. Isa sa mga dalawit na ito ang kikiling o titikwas para magbukas ng bibig ng dragon upang mapakawalan ang bola, habang makakakandado naman ang iba pang mga ulo ng dragon nang sa gayon iisang bola lamang ang lalagpak.[1]

  1. 1.0 1.1 1.2 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Invented the Seismograph?, Science and Technology". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 44.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.