Censo ni Quirinio
Ang Censo ni Quirinio ay isang censo sa Judea na isinagawa ni Publius Sulpicius Quirinio na gobernador ng Romanong Syria sa atas ng pamumunong Romano noong 6 CE.[1] Ayon sa Ebanghelyo ni Lucas, sa panahong ito nang ipanganak si Hesus samantalang ayon sa Ebanghelyo ni Mateo, sa panahon ni Dakilang Herodes(namatay ca. 4 BCE) nang ipanganak si Hesus. Si Dakilang Herodes(ca. 72 BCE-4 BCE) ay isang Romanong haring kliyente ng Imperyong Romano na kinabibilangan ng Judea. Sa kanyang kamatayan noong 4 BCE, ang kanyang Kaharian ay nahati sa tatlo niyang mga anak na lalake. Noong 6 CE, pinatalsik ni Emperador Cesar Agosto si Herod Archelaus at ginawa ang sakop na teritory nito bilang Romanong Probinsiya ng Judea. Pagkatapas patalsikin at ipaptapon si Herodes Arquelao ni Cesar Augusto matapos magreklamo ang mga Hudyo sa kanyang kalupitan sa mga ito,[2]ang Judea, Samaria at Idumea at pinagsama sa ilalim ng pamumuno ng prepektong si Coponius. Sa parehong panahon noong 6 CE, si Quirinio ay hinirang legato ng Syria at isa sa mga tungkulin niya ay magsagawa ng isang censo para sa layuning pagbubugis. Ang censong ito ay nagtulak sa isang himagsikan ng mga ekstremistang Hudyo na tinatawag na Mga Zelote sa ilalim ni Judas ng Galilea.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gruen 1996, pp. 156–157.
- ↑ https://www.britannica.com/biography/Herod-Archelaus
- ↑ Stern 1976, p. 274.