Simbahan ng Adbentista ng Ikapitong Araw
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (walang petsa) |
Klasipikasyon | Protestant |
---|---|
Oryentasyon | Adventist |
Politiyo | Modified Presbyterian Polity |
Pinuno | Ted N. C. Wilson |
Lugar na sakop | Worldwide |
Nagtatag | Joseph Bates James White Ellen G. White J. N. Andrews |
Lugar ng Pagtatag | 21 Mayo 1863 Battle Creek, Michigan |
Nanggaling sa | Millerites |
Pagkahati | Seventh Day Adventist Reform Movement (separated 1925); Shepherds Rod - Davidian SDAs (separated 1929) |
Mga Simbahan | 163,754churches, 65,553 companies |
Bilang ng Kasapi | 22,234,406[1] |
Bilang ng Ministro | 20,924[1] |
Ospital | 173[1] |
Bahay-ampunan | 132[1] |
Kawanggawa | Adventist Development and Relief Agency |
Mga Mababang Paaralan | 6,623[1] |
Mga Mataas na Paaralan | 1,823[1] |
Mga Dalubhasaan | 118[1] |
Opisyal na Websayt | http://www.adventist.org/ |
Ang Iglesya ng Ikapitong-araw na Adbentista (ᜁᜄ᜔ᜎᜒᜐ᜔ᜌ ᜈᜅ᜔ ᜁᜃᜉᜒᜆᜓᜅ᜔ ᜀᜇᜏ ᜈ ᜀᜇᜊᜒᜈ᜔ᜆᜒᜐ᜔ᜆ) (Ingles: Seventh-day Adventist Church)[2][3] ay isang denominasyong Protestante[4] na kilala sa pagmamasid nito ng Sabado. Dahil dito, sila ay karaniwang tinatawag bilang mga Sabadista.[5] Ito ay nagbibigay diin sa Ikalawang pagbabalik ni Hesus. Ang denominasyong ito ay lumago mula sa kilusang Millerite na Adbentismo sa Estados Unidos noong gitna ng ika-19 siglo at pormal na itinatag noong 1863.[6] Kabilang sa mga tagapagtatag nito si Ellen G. White na nag-angking nakatanggap ng mga pangitain.[7]
Ang karamihan ng teolohiya ng mga Sabadista ay tumutugma sa mga katuruang Protestante ng Trinidad at di pagkakamali ng bibliya. Kabilang rin sa kanilang mga katuruan ang walang kamalayang katayuan ng mga namatay at doktrina ng imbestigatibong paghuhukom. Kanila ring itinuturo na ang anti-Kristo ang papa ng Simbahang Katoliko Romano.[8] Ang iglesia nitong pandaigdig ay pinangangasiwaan ng Pangkalahatang kumperensiya ng mga Ikapitong-araw ng Adbentista na may mas maliliit na rehiyong pinapangasiwaan ng mga dibisyon, mga unyong kumperensiya at mga lokal na kumperensiya. Ito ay kasalukuyang binubuo ng mga binautismong kasapi ng 17.2 milyong katao.[1][9][10] Ang iglesiang ito ay nagpapatakbo ng maraming mga paaralan, mga ospital, at mga palimbagan.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Iglesiang Ikapitong-araw na Adbentista ang pinakamalaki sa ilang mga pangkat Adbentista na lumitaw mula sa kilusang Millerite noong mga 1840 sa upstate New York na isang yugto ng Ikalawang Dakilang Pagkamulat. Hinulaan ni William Miller batay sa Aklat ni Daniel 8:14–16 at prinsipyong araw-taon na si Hesus ay magbabalik sa mundo sa pagitan ng Tagsibol ng 1843 at Tagsibol ng 1844. Noong Tag-init ng 1844, ang mga Adbentistang Millerite ay naniwalang si Hesus ay magbabalik noong 22 Oktubre 1844 na kanilang pinakahulugang ang araw na biblikal ng pagtitika para sa taong iyon. Nang hindi ito mangyari, ang karamihan sa kanyang mga tagasunod ay nagkawatak-watak at nagbalik sa kanilang mga pinagmulang iglesia. Ang ilang mga Millerite ay naniwala pa ring ang mga kalkulasyon ni Miller ay tama ngunit ang kanyang interpretasyon ng Aklat ni Daniel 8:1 ay mali dahil pinagpalagay niyang ang mundo ay lilinisin o darating si Hesus upang linisin ang mundo. Ang mga Adbentistang ito ay nagpakahulugang ang Daniel 8:14 ay humula ng pagpasok ni Hesus sa Pinakabanal na Lugar ng santuwaryong makalangit sa halip na kanyang ikalawang pagbabalik. Sa mga sumunod na dekada, ang kanilang interpretasyon ay umunlad sa doktrina ng imbestigatibong paghuhukom na isang eskatolhikal na proseso na nagsimula noong 1844 kung saan ang mga Krisityano ay hahatulan upang patunayan ang kanilang ang pagiging karapat-dapat sa kaligtasan at ang hustisya ng diyos ay makukumpirma sa harap ng uniberso. Patuloy na naniwala ang mga Adbentista na ang Ikalawang pagbabalik ay malapit na. Kanilang tinutulan ang pagtatakda ng mga karagdagang petsa para sa pangyayaring ito na nagbabanggit ng Aklat ng Pahayag 10:6. Sa pagkakaisa ng maagang kilusang Adbentista, ang tanong sa araw sa bibliya ng pagpapahinga at pagsamba ay itinaas. Ang nangungunang tagapagtaguyod ng pagsunod sa Sabathh sa mga maagang Adbentista si Joseph Bates. Ipinakilala kay Bates ang doktrinang Sabado sa pamamagitan ng isang traktong isinulat ng mangangaral na Millerite na si Thomas M. Preble na nakaimpluwensiya naman kay Rachel Oakes Preston na isang kabataang Ikaptiong-araw na Baptist. Ang mensaheng ito ay unti-unting tinanggap at bumuo ng paksa ng unang edisyon ng publikasyon ng iglesia na Present Truth (ngayong Adventist Review) na lumitaw noong Hulyo 1849. Sa loob ng mga 20 taon, ang kilusang Adbentista ay binubuo ng isang maliit na magkakalayong magkaugnay na pangkat na nagmula sa maraming mga iglesia na ang pangunahing mga paraan ng ugnayan at pakikisalamuha ay sa pamamagitan ng peryodikal ni James White na Advent Review at Sabbath Herald. Kanilang niyakap ang mga doktrina ng Sabbath, ang interpretasyon ng Daniel 8:14 ng makalangit na santuwaryo, ang kondisyonal na imortalidad at ang paghihintay sa pagbabalik na premilenyal ni Hesus. Kabilang sa mga pinakaprominenteng pigura nito sina Joseph Bates, James White, at Ellen G. White. Si Ellen White came ay sumakop ng isang partikular na sentral na papel. Ang mga inangking mga "pangitain" ni Ellen White at kanyang pamumunong espiritwal ay humikayat sa kanyang mga kapwa Adbentista na siya ay nag-angkin ng kaloob ng hula. Ang iglesiang ito ay pormal na itinatag sa Battle Creek, Michigan noong 21 Mayo 1863 na may kasaping 3,500. Ang denominasyonal na headquarters nito ay kalaunang nilipat mula sa Battle Creek tungo sa Takoma Park, Maryland kung saan sila nanatili hanggang 1989. Ang General Conference headquarters ay inilipat naman sa kasalukuyang lokasyon nito sa Silver Spring, Maryland.
Tignan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 "Seventh-day Adventist World Church Statistics". Office of Archives and Statistics, General Conference of Seventh-day Adventists. Disyembre 2009. Nakuha noong 2011-09-043.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ SDA Religioustolerance.org Naka-arkibo 2013-05-22 sa Wayback Machine.
- ↑ na dinadaglat na Adbentista o Adventist "Use of the Church Name". Seventh-day Adventist Church. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-01-10. Nakuha noong 2007-01-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Queen, Edward L.; Prothero, Stephen R.; Shattuck, Gardiner H. (2009). 'Seventh-day Adventist Church' in Encyclopedia of American religious history, Volume 3, 3rd edition. New York, NY: Infobase Publishing. p. 913. ISBN 978-0-8160-6660-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ More precisely, Friday sunset to Saturday sunset; see When Does Sabbath Begin? Naka-arkibo 2011-07-24 sa Wayback Machine. on the Adventist website.
- ↑ "Seventh-day Adventists—The Heritage Continues Along". General Conference of Seventh-day Adventists. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-12-06. Nakuha noong 2007-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ronald L. Numbers, Prophetess of health: a study of Ellen G. White (3rd ed. 2008) pp. xxiii–xxiv
- ↑ Seventh-day Adventist Church Fundamental Beliefs Naka-arkibo 2006-03-10 sa Wayback Machine. Retrieved 2011-06-22.
- ↑ Seventh-day Adventist World Church Statistics. "The Official Site of the Seventh-day Adventist world church". Adventist.org. Nakuha noong 21 Mayo 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Statistical report. Annual council of the General Conference Committee, Oktubre 9–14, 2009" (PDF). 2009-06-30. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2010-04-15. Nakuha noong 2010-03-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)