Severino de las Alas
Si Severino de las Alas (Enero 8, 1851 – Nobyembre 4, 1918) ay isang guro, abogado, politiko at pilantropo na naging Kalihim Panloob ng Unang Republika ng Pilipinas. Isinilang siya sa Indang, Kabite at pumasok sa Kolehiyo ng San Juan de Letran upang mag-aral doon. Pumasok din siya sa Unibersidad ng Sto. Tomas at nakapagtapos ng Batas.
Naging Kagawad ng Kapulungan sa Tejeros noong Marso 22, 1897 at isa sa mga lumagda sa Konstitusyon ng Biyak-na-Bato. Sa Gabinete ni Pedro Paterno, nahirang siya bilang Kalihim Panloob noong Mayo 7, 1899. Mula 1899 hanggang 1901, siya ay naging pinuno ng gerilya sa Kabite. Nahalal siya ng dalawang magkasunod na termino bilang Presidente Munisipal ng Indang (1906-1909 at 1909-1912).
Kilalang tagasuporta ni Andres Bonifacio si de las Alas[1] ngunit nagkaroon sila ng hidwaan nang tumalikod si de las Alas sa kanya.[2] Nang nagalit si Bonifacio kay de las Alas ng may pagbanta, humingi ng tulong ang mga taga-Indang kay Emilio Aguinaldo na iniutos ang pag-aresto kay Bonifacio.[3][4]
Bilang guro, nagturo siya sa Maynila at sa Indang. Bilang pilantropo, nagbigay siya ng donasyon sa Panggitnang Paaralan ng Indang (Indang Intermediate School) upang lumawak ito. Bilang pagkakilala sa kontribusyon ni de las Alas, pinalitan ang pangalan ng paaralan sa Pambansang Paaralan ng Agrikultura ni Don Severino (Don Severino National Agriculture School). Noong 1964, sa pamamagitan ng batas na inakdaan ni Kinatawang Justiniano Montano Sr., naging pampamahalaang kolehiyo ito at napalitan ang pangalan sa Pang-agrikulturang Kolehiyo ni Don Severino sa bisa ng Batas Republika 3917. Ang kolehiyo ay Pamantasang Pampamahalaan ng Cavite na ngayon subalit ang pangunahing kampus ng pamantasan ay pinangalan pa rin kay de las Alas.[5]
Namatay siya sa Indang noong Nobyembre 4, 1918.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Jimenez 3rd, Jose B. (2019-06-06). "Andres Bonifacio and Philippine elections – The Manila Times". www.manilatimes.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-03-26. Nakuha noong 2021-04-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rocamora, Joyce Ann L. (2017-11-30). "An appeal from a hero's descendant". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Pino, Gladys (2017-11-29). "Cavite to commemorate Bonifacio's birthday". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Andres Bonifacio and the Katipunan". National Historical Commission of the Philippines (sa wikang Ingles). 2012-09-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-04-27. Nakuha noong 2021-04-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "History – Cavite State University" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)