Pumunta sa nilalaman

Shampoo ni Lola

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Shampoo Ni Lola ay isang Pinoy rock na banda na sumikat noong dekada nubenta.

Nagsimula bilang isang garage band noong 1993, ang banda ay binuo ng mga high school alumni ng Pasig Catholic College na sina Andy, Gilbert, Jeff at Wowie. Kasama sa mga naunang inkarnasyon ng banda ay sina Toz Cruz (lead vocalist) at Liz Acedo (Lead/Back-up Vocalist), ngunit ng lumaon - dahil na rin sa di pagkaka-ayos ng iskedyul - si Jhun na lamang ang naging tanging bokalista.

Aktibo ang banda sa pagsali sa mga music festival at "battle of the bands" sa lalawigan ng Pasig at mga karatig pook. Ilang sa mga tinugtog nila dito ay kanilang bersyon ng mga kanta ng Nirvana, Juan Dela Cruz at Black Sabbath.

Bago pa man mauso ang paggawa ng mga cover versions ng mga pop songs, tinutugtog na ng Shampoo ni Lola ang rock bersyon nila ng "Di Ako Iiyak" at "Luha".

Kinalaunan ay gumawa na rin sila ng mga sariling komposisyon. Karamihan sa mga ito ay sinulat nina Jhun at Wowie. Sina Andy, Gilbert at Jeff naman ay tumulong sa pag-areglo ng mga kanta na nababagay sa kanilang tugtugan. Sa kagustuhang madinig ang kanilang mga likha sa radyo, sila ay gumawa ng mga lo-fi na demo/EP. Isa sa mga ito ay narinig ni Ed Formoso, isang icon sa Philippine Rock Scene, at inalok silang sumali sa ilang compilation albums kung saan siya ang producer.

Unang nakilala sa kantang "Tablado Ka". Ang kantang ito ay na-record lamang ng higit sa isang oras, kung kaya't sa tuwa ng producer ay isinama sila sa mga sumunod na compilation album. Ang mga ito ay ang "Namamasko" at "Saranggola ni Pepe". Dahil sa mga kantang ito, nakapag-guest ang banda sa mga programa sa TV (Chibugan Na, Salo-Salo Together, That's Entertainment at RJTV) at radyo (LA105 at NU107).

Sa mga huling buwan ng 1995, may na-i-record silang dalawang kanta, "TV Miracle" at "I Must Have A Girlfriend (On Christmas Eve)", para sa isang independent label, subalit sa di maintindihang mga pangyayari ay di na-i-release ang mga ito.

Wala man silang nailabas na bagong kanto noong mga huling buwan ng 1995, January 1996, isang araw matapos ang birthday ni Jeff ay tumawag si The Doctor, isang DJ ng LA105, at nagsabing may isang bagong companya na interesado silang kunin para sa isang full-length album. Ang JML Records ang nag-produce ng "Shampoo ni Lola" kung saan nakapaloob ang sampung (10) orihinal na composisyon mula sa banda.

Matapos ang promosyon para sa album (1996-1997),naghanda na ng mga bagong kanta para sa susunod na album subalit 'di ito natuloy. Ito na rin ang isa sa mga sanhi kung bakit nakapag-desisyon ang mga miyembro na mag-concentrate muna sa kanilang mga pamilya at propesyon. Bagama't ganito ang naging desisyon sa loob ng halos walong taon (1997-2005), paminsan-minsan ay tumutugtog pa rin sila sa mga rock festival sa Pasig.

Sa huling mga buwan ng 2005 ay nagsimula na namang maging aktibo ang mga miyembro sa pag-practice ng kanilang mga dati at bagong composisyon. Dito ay sinama nila si Alex upang pumalit muna kay Gilbert na laging naka-destino sa labas ng Metro Manila. Maganda ang kinahantungan ng mga sesyong ito, at sa katunayan, nakapag-record na sila ng anim (6) na kanta para sa susunod nilang album na nais nilang mailabas sa gitna ng 2007.

A. Radio Singles

  1.  "Tablado Ka"          - "A Dozen Alternatives"                     - Iba Music          - 1994
      *Iba Music ay affiliate ng Viva Records.
      
  2.  "Namamasko"           - "Christmas on the Rocks                    - Iba Music          - 1994
  3.  "Saranggola ni Pepe   - "Mga Himig Natin - Pinoy Rock Revisited 2" - Vicor Music        - 1995
      *Unang pinasikat ni Celeste Legaspi.
  4.  "Praning na si Roger" - "Shampoo ni Lola"                          - JML Records        - 1996
       
  5.  "Cute"                - "Shampoo ni Lola"                          - JML Records        - 1996


B. Albums/EPs

  1. "Shampoo Your Face"                                                 - Silong Music Group - 1993
     *100 copies lang ang na-print.
     - Nail
     - The Day My Cat Died
     - Between Edges
     - Tablado Ka
  2. "Shampoo ni Lola"                                                   - JML Records        - 1996
     *Ang album na ito ay na-distribute ng Star Records.
     - Praning na Si Roger
     - Cute
     - Asal Hudas
     - Tuklaw
     - TV Miracle
     - Wala Kang Pakialam
     - Anino sa Dilim
     - Ganid
     - Ten Seconds
     - Wasted Mushroom
  • Jhun Mora - Vocals
  • Wowie Mendoza - Bass
  • Jeff Santos - Drums
  • Gilbert Robiso - Lead Guitar (on leave)
  • Alex Ramirez - Lead Guitar
  • Andy Intalan - Rhythm Guitar