Shinkansen
Ang Shinkansen (Hapones: 新幹線, [ɕiŋkaꜜɰ̃seɴ] ( makinig), lit. na 'bagong pangunahing linya'), na tinatawag ding bullet train (lit. na 'bala tren') sa wikang Ingles, ay isang kalambatan ng mga linya ng matuling daangbakal (high-speed railway) sa Hapon. Noong una, itinayo ito upang maikonekta ang mga malalayong rehiyon ng bansang Hapon sa Tokyo, ang kabisera, upang makatulong sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Bukod sa malayuang paglalakbay, ipinangkokomyut ang ilang seksiyon na malalapit sa mga kalakhan.[1][2] Pagmamay-ari ito ng Japan Railway Construction, Transport and Technology Agency at pinatatakbo ng limang kompanya ng Japan Railways Group.
Nagsimula sa Shinkanseng Tokaido (515.4 km; 320.3 mi) noong 1964,[3] lumawak ang kalambatan at ngayon, binubuo ito ng 2,830.6 km (1,758.9 mi) ng linya na may sukdulang bilis na 240–320 km/h (150–200 mph), 283.5 km (176.2 mi) ng linyang Mini-Shinkansen na may sukdulang bilis na 130 km/h (80 mph), at 10.3 km (6.4 mi) ng linyang tari na may serbisyong Shinkansen.[4] Kumakawing ang kalambatan sa halos lahat ng mga pangunahing lungsod sa mga pulo ng Honshū at Kyūshū, at Hakodate sa hilagang pulo na Hokkaido, na may itinatayong karugtong papuntang Sapporo at nakaiskedyul na magsimula sa Marso 2031.[5] Ang sukdulang bilis ng pagtatakbo ay 320 km/h (200 mph) (sa 387.5 km (241 mi) seksiyon ng Shinkanseng Tōhoku).[6] Umabot sa 443 km/h (275 mph) sa mga pagsusulit ng karaniwang tren noong 1996, at mayroon ding pandaigdig na rekord na 603 km/h (375 mph) para sa treng SCMaglev noong Abril 2015.[7]
Ang orihinal na Shinkanseng Tokaido, na kumakawing sa Tokyo, Nagoya at Osaka, ang tatlong pinakamalaking lungsod ng Hapon, ay isa sa mga pinakamataong matuling daambakal sa buong mundo. Sa isang taong yugto bago ang Marso 2017, naglulan ito ng 159 milyong pasahero,[8] at mula nang magbukas ito mahigit limang dekada na ang nakalipas, naghatid ito ng higit sa 6.4 bilyong pasahero.[3] Sa mga abalang oras, may hanggang 16 tren ang linya kada oras at sa bawat direksiyon na may 16 na kotse bawat isa (nakakapagpaupo ng 1,323 tao at minsan nakakapagpasakay ng karagdagang pasaherong nakatayo), at tatlong minuto ang pinakamababang oras sa pagitan ng mga tren.[9]
Matagal nang nauna ang kalambatang Shinkansen ng Hapon sa bilang ng taunang pasaherong sumakay (pinakamataas noong 2007, 353 milyon) ng anumang matuling daambakal, at dinaig lang ito noong 2011, kung kailan nilagpasan ito ng matuling daambakal ng Tsina na nagkaroon ng 370 milyong pasahero bawat taon, at umabot pa sa 2.3 bilyong taunang pasahero noong 2019.[10]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa wikang Hapones, ang ibig sabihin ng shinkansen (新幹線) ay 'bagong pangunahing linya', ngunit ginagamit itong salita upang ilarawan ang daanan ng tren at mga tren mismo.[11] Sa wikang Ingles, tinatawag ding bullet train (lit. na 'bala tren') ang mga tren. Nagmula ang bullet train (弾丸列車 dangan ressha) noong 1939, at ito ang naging unang pangalan na ibinansag sa proyekto ng Shinkansen sa pinakamaagang yugto ng pagpaplano nito.[12] Bukod diyan, ang pangalang superexpress (超特急 chō-tokkyū) na tanging ginamit hanggang 1972 para sa mga treng Hikari sa Shinkanseng Tōkaidō, ay ginagamit ngayon sa mga anunsyo at palatandaan sa wikang Ingles.
Epekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ekonomika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Malaki ang benepisyo ng Shinkansen sa negosyo, ekonomiya, lipunan, kapaligiran at kultura ng Hapon na nakahihigit sa mga kontribusyon sa konstruksiyon at pagpapatakbo.[13] Tinatantiya na 400 milyong oras ang natitipid mula sa paglipat mula sa isang karaniwang kalambatan sa isang matuling kalambatan, at ¥500 bilyon ang ambag ng sistema sa ekonomiya bawat taon.[13] Hindi kasama rito ang natitipid mula sa pagbawas ng pag-aangkat ng gasolina, na may benepisyo rin sa seguridad ng bansa. May dalawang pangunahing layunin ang mga linya ng Shinkansen, lalo na sa mataong megalopolis ng Sinturong Taiheiyō sa may baybayin:
- Binawasan ng mga treng Shinkansen ang pasanin ng kasikipan sa rehiyonal na transportasyon sa pagsisiksik ng mga tao sa mas maliit na lugar, kaya mas makakatipid ito kumpara sa ibang paraan (tulad ng mga paliparan at haywey) na karaniwan sa mga di-gaanong mataong rehiyon sa mundo.
- Dahil daambakal na ang naging pangunahing paraan ng pagbibiyahe sa mga lungsod, mula sa pananaw na iyon parang nagastusan na ito; napakakaunti ang mga motorista na kukumbinsihin pa na lumipat sa tren. Kumita nang malaki ang mga paunang megalopolitanong linya ng Shinkansen at ipinambayad ang kita ng lahat ng gastos. Nagpasigla ang pagkakakonekta sa mga bayan sa probinsiya tulad ng Kakegawa na kung hindi man ay masyadong malayo mula sa mga pangunahing lungsod.[13]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Joe Pinker (6 Oktubre 2014). "What 50 Years of Bullet Trains Have Done for Japan" [Ang Nagawa ng 50 Taon ng Shinkansen para sa Hapon]. The Atlantic (sa wikang Ingles). The Atlantic Monthly Group. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Mayo 2022. Nakuha noong 1 Mayo 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Philip Brasor and Masako Tsubuku (30 Setyembre 2014). "How the Shinkansen bullet train made Tokyo into the monster it is today". The Guardian (sa wikang Ingles). Guardian News and Media Limited. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Mayo 2022. Nakuha noong 1 Mayo 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "About the Shinkansen" [Tungkol sa Shinkansen]. global.jr-central.co.jp (sa wikang Ingles). Central Japan Railway Company. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hulyo 2022. Nakuha noong 20 Hunyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "JR-East: Fact Sheet Service Areas and Business Contents" [JR-East: Mahalagang Impormasyon Mga Pinagseserbisang Lugar at Nilalaman ng Negosyo] (PDF) (sa wikang Ingles). East Japan Railway Company. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 15 Pebrero 2022. Nakuha noong 30 Abril 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[wala sa ibinigay na pagbabanggit] - ↑ Sato, Yoshihiko (16 Pebrero 2016). "Hokkaido Shinkansen prepares for launch". International Railway Journal. Simmons-Boardman Publishing Inc. Nakuha noong 6 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tohoku Shinkansen Speed Increase: Phased speed increase after the extension to Shin-Aomori Station" [Pinabilis na Tohoku Shinkansen: Pabilis na pabilis pagkatapos ng karugtong sa Estasyong Shin-Aomori]. jreast.co.jp (sa wikang Ingles). East Japan Railway Company. 6 Nobyembre 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Nobyembre 2021. Nakuha noong 2 Mayo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Japan's maglev train breaks world speed record with 600 km/h test run" [Treng maglev ng Hapon, nilampas ang pandaigdigang rekord sa bilis sa 600 km/h na pagsusulit]. The Guardian (sa wikang Ingles). United Kingdom: Guardian News and Media Limited. 21 Abril 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Hunyo 2022. Nakuha noong 21 Abril 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Central Japan Railway Company Annual Report 2017 (PDF) (Ulat). Central Japan Railway Company. 2017. p. 23. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2018-01-29. Nakuha noong 26 Abril 2018.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "JR Central Annual Report 2019" [Taunang Ulat ng JR Central, 2019] (PDF) (sa wikang Ingles). 2020-11-16. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 16 Nobyembre 2020. Nakuha noong 2021-04-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 陈子琰 (1 Marso 2021). "China's railways report 3.57b passenger trips in 2019". global.chinadaily.com.cn (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Mayo 2022. Nakuha noong 3 Marso 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Shinkansen". Lexico UK English Dictionary. Oxford University Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-22.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shinsaku Matsuyama (2015). 鉄道の「鉄」学: 車両と軌道を支える金属材料のお話 [Bakal para sa Kabayong Bakal: Ang Kuwento ng Mga Metal na Ginamit sa Mga Pagulong at Riles ng Tren] (sa wikang Hapones). Tokyo: Ohmsha Ltd. ISBN 9784274217630.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 13.2 "Features and Economic and Social Effects of The Shinkansen" [Mga Tampok at Epekto ng Shinkansen sa Ekonomika at Lipunan] (sa wikang Ingles). Jrtr.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Enero 2011. Nakuha noong 30 Nobyembre 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)