Pumunta sa nilalaman

Si Tandang Bacio Macunat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Si Tandang Bacio Macunat o Si Tandang Basio Macunat, ay isang akda na isinulat ng prayleng Espanyol na si Miguel Lucio Busamante na inilathala sa Tagalog sa Pilipinas. Ito ay kilala sa saligan nito na kinakatwiran na ang edukasyon ay di kanais-nais para sa mga indio o mga katutubong Pilipino, isang pagbatikos sa pagtugis ng mga kasapi ng Ilustrado sa edukasyon.[1][2]

  • Gervasio "Bacio" Macunat – Isang matandang magsasaka na nakatagpo ng tagapagsalaysay ng kuwento. Si Macunat ay kulang sa ambisyon at tinatanggap lamanag ang kanyang lugar sa lipunan bilang indio. eponymous character lacks ambition and accepts his sociopolitical position as an indio. Hindi maganda ang paningin niya sa edukasyon at mas gugustuhing manatili sa kanyang bukid kasama ng kanyang kalabaw. Pahayag niya na ang edukasyon ay taliwas sa ekspektasyon na ito, at isang pagrerebelde laban sa Diyos at sa Hari. Pinakasalan niya si Silia, kung kanino siyang nagkaroon ng maraming anak. Ang kanyang ama ay masunurin rin katulad niya at isang istriktong tao. Ikinuwento ni Bacio ang isang kuwentong nasaksi ng kanyang ama ukol sa isang binatang indio na nagngangalang Proper sa tagapagsalaysay.
  • Ang Tagapagsalaysay – ang tauhan di inilabas kailanman ang pangalan sa buong kuwento. Sa kanyang hanagarin maintindihan ang lipunan, naglakbay ang tagapagsalaysay sa mga karatig na bayan malapit sa Maynila at nagkakitaan kay Bacio. Suportado siya sa pagbibigay ng edukasyon sa mga indio.
  • Prospero "Proper" – Isang binatang indio na mula sa pamilyang ilustrado at anak nila Andre Baticot at Maria Dimaniuala. Sa unang bahagi na kuwento, si Proper ay sinasabing isang mabuting Kristiyano kasama ng kanyang kapatid na babae na si Pili. Siya ay ipinadala sa Maynila para sa edukasyon ng cabeza ng mga pahintulot sa ama. Pagbalik niya sa kanilang bayan siya ay naging maluho at mapagtaas na tao dahil sa kanyang edukasyon sa Maynila at gumawa ng mga pagsasala na nagdulot ng trahedya sa kanyang pamilya.
  • Felicita "Pili" – Kapatid na babae ni Proper na nagaalaala sa pagpapadala ng kanyang kapatid sa Maynila. Pinsan siya ng ama ni Bacio.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Reyes, Soledad (1998). "Transgression and Absolution in Si Tandang Basio Macunat (1885)†". Budhi. Unibersidad ng Ateneo de Manila. 2 (2). doi:10.13185/495. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 8, 2015. Nakuha noong Pebrero 12, 2016.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Patajo-Legasto, Priscelina, pat. (2008). Philippine Studies: Have We Gone Beyond St. Louis?. Diliman, Lungsod Quezon: University of the Philippines Press. ISBN 9715425917. Nakuha noong Pebrero 12, 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)