Pumunta sa nilalaman

Si Tango Bilang Pangatlo (And Tango Makes Three)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Tango Bilang Pangatlo (And Tango Makes Three) ay isang pambatang aklat na isinulat nina Pedro Parnell at Justin Richardson at iginuhit ni Henry Cole noong 2005. Ang aklat na ito ay batay sa mga tunay na kuwento nina Roy at Silo, dalawang lalaking Chinstrap Penguins sa New York's Central Park Zoo. Ang librong ito ay alinsunod sa anim na taon ng kanilang buhay kung saan sila ay namuhay bilang magkasuyo na binigyan ng isang itlog upang alagaan at palakihin. Ang aklat na ito ay nagkamit ng maraming parangal ngunit ito rin ay naging sentro ng maraming pagbabawal at nagdulot ng mga debate sa parehong-kasarian ng pagsasama, pag-aampon at homosexuality sa mga hayop.

Nilalaman ng aklat na ito ay batay sa kuwento tungkol kina Roy at Silo, dalawang lalaking Chinstrap Penguins sa New York's Central Park Zoo. Sila ay minsang nakitaan na sinusubukang limliman ang isang malaking bato na hugis-itlog. Nang napagtanto ng namamahala sa zoo na sina Roy at Silo ay parehong lalaki, naisip niyang bigyan sila ng totoong itlog. Ang itlog na ito ay isa sa dalawang itlog na nakuha mula sa isang pares na penguin kung saan isang itlog lang ang matagumpay na napisa. Ang hindi napisang itlog ay siya namang matagumpay na napisa nina Roy at Silo. Napalaki nila ito na isang malusog na batang sisiw, isang babae na pinangalanan ng tagapamahala na "Tango". Itinuring nina Roy at Silo na kapamilya si Tango.

Tinutulan ng ilang mga nakakatanda sa Estados Unidos ang pagbabasa ng mga bata sa librong ito dahil sa nilalaman nito tungkol sa pagsasama ng mga penguins na pareho ang kasarian. Ang pagkakaroon ng homosexuality sa mga hayop ay itinuturing kontrobersiyal at pinagtatalunan ng mga konserbatibo at relihiyosong mga grupo na tumutol sa "LGBT social movements." Ayon sa grupo, ang pagkakaroon ng ganitong relasyon sa hayop ay maaaring magbigay daan sa homosexuality sa mga tao.[4] Kung ito ay lohikal o etikal na implikasyon ay isa din itong dahilan ng isang debate.

Ayon kay Mr. Gramzay, tagapamahala ng mga penguin sa zoo, hindi niya nakitaan sina Roy at Silo na nagtalik maliban sa pagpupulupotan ng kanilang mga leeg at palitan ng huni para sa isa't isa .[60] “ We wrote the book to help parents teach children about same-sex parent families. It’s no more an argument in favor of human gay relationships than it is a call for children to swallow their fish whole or sleep on rocks. ” —co-author Justin Richardson, New York Times (2005)[6]

Ayon kay Candi Cushman, isang manunuri sa edukasyon tungkol sa Focus on the Family Action, sinabi niyang ang libro ay malayo mula sa isang "tunay na kuwento." "ito ay hindi naayon" kanyang sinabi, "at ito ay isang kasinungalingan, hindi tumpak na paraan upang itaguyod ang isang political agenda para sa mamusmos na bata .Ang hindi nila sinabi sa mga bata na ang mga baklang penguin na ang bida sa kuwentong ay kalaunang nagsipagasawa rin ng sa mga babaeng penguin sa totoong buhay. "Ang heterosexual na pag-uugali ng penguin ay iniulat sa pambansang balita, kasama na ang Chicago Tribune.

Ang ulat ng American Library Association ang aklat na "Si Tango Bilang Pangatlo" ay ang pinaka hinamon aklat ng 2006, 2007, at 2008. [8] Ang mga libro ay bumaba sa ikalawang posisyon sa 2009 ngunit bumalik sa mataas na posisyon sa 2010.[9]

Sa Shiloh, Illinois, ang ilang magulang ng mga mag-aaral sa Shiloh Elementary School ay hiniling noong Nobyembre 2006 na ang librong ito ay ilagay sa isang restricted section ng aklatan at nangangailang ng permiso ng magulang bago ang tingnan sa ang aklat. Ang superintendentent ng paaralan ang sumunod sa mungkahi ng mga magulang sa halip na panatilihin ang libro malayang magagamit. [10]

Sa Missouri, ang mga magulang ay hiniling na ang libro ay ilipat sa non-fiction seksiyon ng silid aklatan ng paaralan . [5]

Sa Charlotte, North Carolina, si Peter Gorman, superintendent ng Charlotte Mecklenburg-Schools, ay nagutos tinanggalin mula sa mga aklatan ng paaralan ang aklat na ito noong 20 Disyembre 2006. Ngunit siya sumang-ayon na ipaalam sa komite na rebyuhin ang desisyon dahil sa mga alituntuning na mahirap sundin. [11]

Noong 2008, sa Loudoun County Public Schools Superintendent Dr Edgar B. Hatrick, tinanggal ang mga libro mula sa pangkalahatang sirkulasyon sa pampublikong elementarya sa aklatan ng paaralan sa batay sa reklamo ng magulang, pinagbigyan ang desisyong ito ng Sterling, Virginia punong guro at kawani ng mga kasapi sa kabila ng paniniwala nilang angkop ang aklat na ito para sa mga batang mambabasa. [12] [13] Sa kalaunan ibinalik ni Hatrick ang aklat na ito sa sirkulasyon noong nalaman niya na maraming pagkakamali ang prosesong ito pinaniniwalaang niyang nagpapawalang bisa dito". [14]

Sa Calvert County, Maryland malapit sa Washington, DC ang isang ina humiling na tatanggalin mula sa mga pambatang ng seksiyon at ilagay sa isang lugar na partikular para sa mga aklat tungkol sa "alternatibong o hindi-tradisyonal na pamilya" ang aklat na ito. Hindi ito pinagbigyang ng library board ng trustee sapagkat ang alam nila ang aklatan ay dapat magpalaganap ng impormasyon na pantay at walang pagkiling o paghatol. [15] Makalipas ang ilang sandali makalipas ang pangyayari, noong Nobyembre 2008, ang Calvert County Library Board of Trustees ay nalaman na muli nanamang hinhmon ang aklat na ito, hiniling nanaman ng isang magulang ang pagtangal library ng aklat na ito sapagkat ito raw ay pagtatanghal ng mga isyu pang kasarian sa mga bata masyadong musmos pa lamang kug saan hindi pa sapat ang upang maunawaan ang mga ito. Dapat daw na ilipat ng aklat na ito mula pambata seskyon tungo sa pang matandang seksiyon na may kinalaman sa sekswalidad, o kaya naman ay markahan ng isang "red dot" na mag-aalerto sa magulang sa kontrobersiyal nitong paksa. Ang magulang ay nagsasabi na ang pahayag ng aklat na ito sa penguin Roy at Silo "natulog magkasama" ay isang paglalarawang sa sekswal na gawain ng mga ibon. [16]

Sa Ankeny, Iowa, ang mga magulang sa mga lokal na elementarya noong 2008 ay nakiusap na ilagay ang aklat na ito na sa isang restricted section ng library, ang mga magulang lamang ang dapat maglabas ng aklat na ito. kaya lang mga magulang ay maaaring suriin ito. abogado Ang distrito ng paaralan ay argued na tulad ng isang desisyon, kung hinamon, ay malamang na hindi hold up sa hukuman. Panulat America at ang American Library Association nagpadala ng mga sulat na humihimok sa mga board na panatilihin mga mag-aaral 'access sa Tango. On 12/15/08 ang board Ankeny paaralan binotohang 6–1 upang panatilihin ang mga libro sa pangkalahatang sirkulasyon. [17] [18]

Sa Chico, California, isang paaralan komite nabuo ng mga magulang, guro, librarians at paaralan, administrador, bumoto nang walang tutol na panatilihin ang mga libro sa ang shelves ng Chico Pinag School District aklatan sumusunod na ang reklamo ng tatlong mga magulang na ang libro ay hindi angkop para sa mga maliliit na bata. [19] [20] Ang mga libro ay naitala bilang ika-15 sa pinaka kontrobelsiyal na Books Picture dahil sa kontrobersiya na nakapaligid sa dito. Isang librariang pampaaralan sa Massachusetts ay nangambang mawalan ng trabaho matapos matapos maipakilala ng libro sa kanyang mga mag-aaral. [21]

Kalayaan sa pananalita precedents Noong Oktubre 2008, ang American Civil Liberties Union (ACLU) ay nagpadala ng isang sulat sa Calvert County, MD Board of Trustees Library, sa panahong na naharap sa isang hamong ito ang "Si Tango Bilang Pangatlo", na ipinaliwanag na pinagpapahintulotan ang paggamit sa libro sa mga pampublikong aklatan alinsunod sa freedom of speech sa ilalim ng First Amendment to the United States Constitution.[22] Nabanggit ng ACLU na maraming opiniong panghukuman ang sumusuporta sa pagtinging na ito:

Board of Education v. Pico, 457 U.S. 853 (1982):, “Our Constitution does not permit the suppression of ideas.” According to the ACLU "The constitutional right to freedom of speech prohibits any attempt by government officials to suppress ideas or information, whether directly through criminal sanctions or 'prior restraints,' or indirectly through political interference with the professional choices made by librarians."

Reno v. American Civil Liberties Union, 521 U.S. 844 (1997) and Kreimer v. Bureau of Police, 958 F.2d 1242, 1255 (3d Cir.1992). According to the ACLU, "Like the right to express oneself freely, the right to receive information and ideas is protected by the First Amendment. These precepts apply with particular force to public libraries," deemed by the 3rd Circuit Court to be "the quintessential locus of the receipt of information.”

Sund v. City of Wichita Falls, 121 F. Supp. 2d 530 (N.D. Texas 2000). According to the ACLU, "Whether those seeking to remove books from the library wish to do so completely or merely to sequester or segregate the challenged books, the courts have held such censorship unconstitutional."

Sa isang kaso sa Wichita Falls na nabanggit, napag-alaman ng Federal Court na labag sa saligang-batas ng isang lokal ang resolusyon sa pagtanggal ng dalawang kontrobersiyal ng pambatang aklat mula sa pambatang seksiyon ng pampublikong aklatan at paglalagay ng mga ito sa isang seksiyon na may sapat na gulang. Nakasaad sa hukuman na sa lahat ng maghahanap ng aklat na ito makikita basta basta.. Ang napag-alaman din ng korte na "[Kung] ang mga magulang na hindi nagnanais ipabasa anak ang mga ganitong klaseng aklat , maari o kailangang samahan nila ang kanilang anak sa aklatan ; isinasaad din dito na hindi pagbawalan ang mga bata na bigyan ng pahintulot sa paggamit ng mga “constitutionally protected” na material. Sa First Ammendment nakasaad na kung ang kapatan ay naka-saalang-alang na, ang mga naghahanga na ipagbawalan ang access sa impormasyon ay mpipilitang kumuha sa karampatang hakbang upang protektahan ang sarili mga hindi ginustong mga materyales, sinasabi rin dito na ang sagot sa usaping ito ay hindi dapat nakasalalay sa publiko ang paghadlang sa pag-access sa naturingang protektado na impormasyon”.

Isang pagsasalin mula sa http://en.wikipedia.org/wiki/And_Tango_Makes_Three