Pumunta sa nilalaman

Regla

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Siklo ng pagreregla)
Ang siklo ng pagsasapanahon.

Ang sapanahon[1], regla[1] o mens[1] (Ingles: menstruation) ay isang yugto sa siklo ng pagsasapanahon kung kailan naglalagas o nangungulag ang endometrium o kahabaan ng panloob na kapatagan ng bahay-bata. Pinakakapuna-punang hudyat nito ang pagdurugo mula puke sa loob ng ilang mga araw. Nagaganap lamang ang siklo ng pagsasapanahon (menstrual cycle) sa mga Hominoidea, kung saan kabilang ang tao at mga unggoy.[2] Nakadaranas ng siklong estrus ang ibang uri ng mga mamalyang may-inunan (o may plasenta), kung saan muling-sinisipsip ng katawan ng hayop ang endometrium pagsapit ng katapusan ng siklo ng pagaanak[3] (siklong reproduktibo) nito. Nagsisimula ito sa menarche bago magsimula ang kahinugang pangkasarian at tumitigil sa pagdating ng layag.Dahil sa kapanahunan ng regla, ito ay nagpasimuno ng mga euphemisms tulad ng peryod at buwanan.[4]

Tumitigil magregla ang mga babae tuwing sila ay buntis o nagpapasuso. Kung ang pagregla ng isang babae ay tumigil ng higit siyam na pung araw nang hindi siya buntis o nagpapasuso, nangangailangan siya ng medikal na pagsusuri dahil maaari itong magdulot ng maraming problema sa kalusugan. Ang regla ay tumatagal mula sa simula ng pagdadalaga hanggang sa paglayag sa mga babaeng hindi pa buntis.[4]

Tinatawag ang isang babaeng nasa mga araw ng pagreregla[5] na nireregla[6] may-sapanahon[6], pinapanahon[6], at may-regla.[6]

Pangkalahatang-ideya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang siklo ng pagsasapanahon ay kabilang sa pagunlad ng isang masustansiyanglining” (endometrium) sa loob ng bahay-bata na nagsisilbing unan at tagapagbigay ng sustansiya sa nabubuong sanggol kung ang babae ay buntis. Sa pagkakataon na hindi siya buntis, ang “lining” na ito ay inilalabas. Ito ay kilala natin bilang regla, o ang buwanang-dalaw.

Ang regular na regla (na tinatawag ring bilang eumenorrhea) ay tumatagal ng ilang araw, mula 3 hanggang 5 araw, ngunit ang pagtagal nito ng 2 hanggang 7 araw ay itinuturing pa ring normal. Ang karaniwang siklo ng pagreregla ay tumatagal ng 28 araw mula sa unang araw ng isang buwanang dalaw hanggang sa unang araw ng sumunod. Ang isang normal na siklo ng pagreregla sa mga matatandang kababaihan ay nasa pagitan ng 21 at 35 araw. Nagkakaiba iba naman ang tagal nito sa mga adolesente at karaniwang tumatagal ang siklo ng 21 hanggang 45 araw. Ilan sa mga sintomas na nararanasan bago magkaron ng regla, tulad ng paglaki ng dibdib, pamamaga at pagkakaroon ng tagihawat ay tinatawag na “premenstrual molimina.”

Ang karaniwang dami ng regla kada buwanang-dalaw ay 35 millilitro (2.4 na kutsarang menstrual fluid) kung saan ang 10-80 millilitro (1-6 na kutsarang menstrual fluid) ay itinuturing pangkaraniwan. Ang tamang termino para sa daloy na ito ay “menstrual fluid” bagamat marami ang tumatawag ditong buwanang dugo. Ang menstrual fluid ay naglalaman ng dugo, pati na rin ng “cervical mucus”, “vaginal secretions,” at “endometrial tissue.” Ang kulay ng menstrual fluid ay may pagka-pulang kayumanggi, bahagyang mas maitim sa karaniwang dugo.

Maliban na lamang kung ang isang babae ay may sakit sa dugo, hindi delikado ang regla. Walang “toxins” na inilalabas sa buwanang daloy dahil ito ay isang “lining” na dapat sapat nang dalisay at malinis para mag-alaga ng isang sanggol. Ang menstrual fluid ay hindi kasing delikado ng pangkaraniwang dugo.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Sapanahon, regla, mens, menstruation". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "ape". Encyclopædia Britannica. Bol. Britannica Concise Encyclopedia. 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-14. Nakuha noong 2007-08-03.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. English, Leo James (1977). "Batay sa reproduksiyon, pagpaparami, pag-aanak". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Salin mula sa https://en.wikipedia.org/wiki/Menstruation
  5. "Pagreregla." Mga babasahin hinggil sa pagreregla at mga karapatan ng babae mula sa Arabyang Saudi, nasa wikang Tagalog, bersyong HTML Zulfi Foreigners' Guidance Office[patay na link], nakuha noong Marso 13, 2008
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 English, Leo James (1977). "May-sapanahon, pinapanahon, may-regla, having menstruation". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga talaugnayang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]