Pumunta sa nilalaman

Silang ng Salang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Silang ng Salang
Elebasyon3878 m. or 12,723 ft.
Location
Lokasyon Afghanistan
BulubundukinHindu Kush
Mga koordinado35°18′13″N 69°3′15″E / 35.30361°N 69.05417°E / 35.30361; 69.05417
Mga silang sa Afghanistan

Ang Salang Pass (Persa: كتل سالنگKotal-e Salang) (el. 3878 m.) ay isang pangunahing silang na nagdudugtong sa hilagang Aganistan at Lalawigan ng Kabul, at umaabot pa sa timog Apganistan at Pakistan.[1] Nasa silangan lamang ito ng Silang ng Kushan at parehong importante noong unang panahon dahil parehong direktang nagdudugsong sa rehiyon ng Kabul sa hilagang Apganistan o Tokharistan. Malapit rito ang pinagmulan ng Ilog Salang at dumadaloy patimog.

Dinaraanan ng silang ang Hindu Kush subalit sa ngayon ay maaari nang lampasan gamit ang Lagusang Salang, na itinayo ng Unyong Sobyet noong 1964, na bumabaybay sa ilalim nito sa taas na 3,400 metro. Pinagdudugsong nito ang Charikar at Kabul sa Mazari Sharif at Termez. Bago magawa ang mga daan at lagusan, ang pangunahing daanan sa pagitan ng Kabul at hilagang Apganistan ay ang Silang ng Shibar, mas mahabang daanan kung saan aabutin ka ng tatlong araw.[1]

NOong 3 Nobyembre 1982, sa kasagsagan ng pananakop ng Unyong Sobye sa Apganistan, nagkaroon ng malaking sunog sa lagusan na noo'y puno ng mga komboy ng sundalo ng Sobyet. Marami ngunit hindi matukoy ang bilang ng mga hukbo ng Sobyet ang namatay sa Sunog sa lagusan ng Salang.

Pagguho noong Pebrero 2010

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Pebrero 9, 2010, tinamaan ang silang ng ilang pagguho.[2][3] Ayon sa mga ulat ang daan sa silang ay tinamaan ng labingpitong mga pagguho, na siyang kumitil ng ilang dosena, at nagbaon sa milya-milyang kalsada, at pagkakabao ng ilang sasakyan sa loob ng lagusan ng Salang. Hanggang noong Pebrero 10, 2010 160 katawan na ang nahukay ng mga awtoridad.[4] Naiulat ng Radio Free Europe sinarhan ng unang pagguho ang lagusan kaya nakulong ang mga sasakyan sa isang "nakamamatay na lugar ng pagguho".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Library of Congress Country Study: Afghanistan Chapter 2: Mountains
  2. Rod Norland (2010-02-09). "Avalanches Kill Dozens on Mountain Highway in Afghanistan". New York Times. Nakuha noong 2010-02-10. Heavy winds and rain set off 17 avalanches that buried more than two miles of highway at a high-altitude pass in the Hindu Kush mountain range, entombing hundreds of cars and cutting off Kabul's heavily traveled link to northern Afghanistan, officials said Tuesday.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Rahim Faiez (2010-02-09). "Avalanches swamp Afghan pass: Scores of bodies pulled from cars as coalition joins search for injured". Toronto Star. Nakuha noong 2010-02-10. A series of avalanches engulfed a mountain pass in Afghanistan, trapping hundreds of people in their buried cars and killing at least 24 people, authorities said Tuesday.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ahmed Hanayesh, Ron Synovitz (2010-02-10). "From Afghan Avalanche, Tales Of Tragedy And Survival". Radio Free Europe. Nakuha noong 2010-02-10. By the evening of February 10, authorities had recovered the bodies of more than 160 victims buried by a series of avalanches. The stories told to RFE/RL by survivors suggest the death toll could rise as search teams continue their work -- and when the spring thaw reveals the full extent of the tragedy. The first avalanche blocked the highway just south of the Salang Tunnel. As the traffic began to pile up, travelers in cars, trucks, and buses found themselves trapped in a deadly avalanche zone. Then, one after another, as many as 16 more avalanches wiped their vehicles off the road.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)