Silid ng pagpapalipas-oras

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Isang silid ng pagpapalipas-oras.

Ang silid ng pagpapalipas-oras, silid na palipasan ng oras, silid na pampalipas ng oras, o kuwartong istambayan, (Ingles: lounge, lounge room) ay isang uri ng silid-pamahingahan kung saan maaaring nagpapahinga o nagrerelaks na naghihintay o umiistambay ang mga tao habang lumilipas ang oras o nagpapaglipas ng oras. Maaari itong maglaman ng mga upuan na kung minsan ay maaaring "paghilataan" ng mga taong naghihintay. Sa isang tahanan, maaaring ito na rin ang isang silid na salas kung saan maaaring makapagbasa ng mga aklat at iba pang mga babasahin ang mga nakaokupa, manood ng telebisyon, at iba pang mga gawain. Sa pormal na mga gusali o mga lugar na katulad ng hotel, paliparan, at sinehan, ito ang pook na paupuan ng mga panauhin o ng mga kliyente habang naghihintay sa mga kausap o mga taong haharapin at kakapanayamin. Sa isang hotel, katulad ito ng isang bulwagang hintayan o bulwagang tanggapan, subalit maaaring maging isang lugar, silid, o bahagi ng palapag ng gusali na karaniwang pinagsisilbihan din ng sari-saring mga inumin.[1][2]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Lounge". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 71.
  2. Gaboy, Luciano L. Lounge - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


Arkitektura Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.