Pumunta sa nilalaman

Otel

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang makasaysayang Plaza Hotel sa New York
Otel

A hotel o otel ay isang establisyimento na nagbibigay ng paupahang kuwarto sa isang maikling panahon. Kabilang sa mga pasilidad na binibigay ay ang kama, aparador, hanggang sa magarang tampok tulad ng en-suite na mga paliguan. Ang mga malalaking mga otel ay nagbibigay din ng mga karagdagang pasilidad tulad ng palanguyan, sentrong pangkalakalan, pag-aruga sa mga bata, pasilidad at serbisyo sa mga pagtitipon. Ang bawat silid ay kadalasang may bilang (o may pangalan sa sa ilang maliliit na mga otel at bed and breakfast o B&B) upang hayaang malaman ng mga bisita ang kanilang silid. May mga ilang otel na nag-aalok ng pagkain bilang bahagi ng kasunduan sa pag-upa ng silid.