Simbahan ng Alehandriya
Itsura
(Idinirekta mula sa Simbahan ng Alexandria)
Ang Simbahan ng Alexandria sa Ehipto ay pinamumunuan ng Patriarka ng Alexandria. Ito ang isa sa orihinal na apat sa mga patriarkada ng Kristiyanismo kasama ng Roma, Antioch, at Herusalem. Ang Constantinople ay kalaunang idinagdag bilang ikalima. Ito ay pinaniwalaan ng mga tagasunod nito na itinatag ni Ebanghelistang si Marcos at ang Simbahang ito ay nag-aangkin ng huridiksiyon sa lahat ng mga Kristiyano sa kontinente Aprika. Sa kasalukuyan, ang tatlong mga simbahan ay nag-aangkin na direktang mga nagmana ng orihinal na Simbahan ng Alexandria.
- Ang Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria na isang simbahang Oriental na Ortodokso
- Ang Silangang Ortodoksong Simbahan ng Alexandria na kilala rin bilang Griyegong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria na isang simbahang Byzantine na Ortodokso
- Ang Simbahang Koptikong Katoliko na kilala rin bilang Kanlurang Ortodoksong Simbahan ng Alexandria na isa sa 22 mga Simabahang Silangang Katoliko na may buong komunyon sa Simbahang Romano Katoliko na pinamumunuan ng papa na obispo ng Roma.