Pumunta sa nilalaman

Nais

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sinta)

Ang nais, na may kaugnayan o pagkakahalintulad sa mga salitang sana, gusto, ibig, hilig, nasa (masidhing pagnanais), pita, sinta, asam, o sabik, ay ang paghahangad para sa isang tao o bagay o pag-asa para sa isang resulta o kinalabasan. Ang katulad na diwa ay ipinapahayag ng mga damdaming katulad ng pagmimithi. Kapag ang isang tao ay naghahangad ng isang bagay o ng isang tao, ang kanilang pakiramdam ng pag-asam ay pinasisigla ng kasiyahan o ng pagkaisip ng bagay o ng tao, at nais nilang gumawa ng mga kilos upang makamit ang kaniyang layunin. Ang aspeto ng motibasyon o udyok (ganyak o buyo) ng pagnanais ay matagal nang napansin ng mga pilosopo; ipinahayag ni Hobbes (1588–1679) na ang pagnanais ng tao ay isang pundamental na kaudyukan ng lahat ng kilos ng tao.

Sa Budismo upang maisagawa ang kaniyang liberasyon o kalayaan, ang daloy ng damdamin at nais ay dapat na putulin ng buo; subalit, habang nagsasanay, dapat siyang gumawa na mayroong mga prosesong pangmotibasyon na nakabatay sa may kasanayang inilapat na pagnanais.[1] Ipinahayag ng Buddha na, ayon sa maagang mga eskriturang Budista, ang mga monghe ay dapat na makalikha ng pagnanais para sa kapakanan ng pagkandili ng mga katangiang pangkasanayan at pag-iwan sa mga hindi pangkasanayan.[2]

Habang ang mga kanaisan ay kadalasang inuuri bilang mga damdamin ng karaniwang mga tao, kadalasang inilalarawan ng mga sikologo ang mga nais bilang kaiba mula sa mga damdamin; may gawi ang mga sikologo na ang mga nais ay lumilitaw magmula sa mga kayarian ng katawan, katulad ng pangangailangan ng tiyan ng pagkain, habang ang mga damdamin ay lumilitaw magmula sa katayuan ng isip ng isang tao. Ang mga kompanya ng pagmamarket at pag-aanunsiyo ay gumamit ng pananaliksik na pangsikolohiya hinggil sa kung paano mapupukaw ang pagnanais upang makahanap ng mas kapakipakinabang na mga pamamaraan upang mahikayat ang mga tagapagkonsumo upang bumili ng isang halimbawang produkto o serbisyo. Habang ang ilan sa mga pagpapatalastas ay nagtatangkang mabigyan ang mga mamimili ng pagkadama ng kakulangan o pag-asam, ang ibang mga uri ng pag-aanunsiyo ay lumilikha ng pagnanais na iniuugnay ang produkto sa kanais-nais na mga katangian, na maaaring sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang artista o modelong kapiling ang isang produkto.

Ang tema ng pagnanais ay nasa kaibuturan ng nobelang romansa, na kadalasang lumilikha ng drama sa pamamagitan ng mga pagkakataon kung saan ang pagnanais ng tao ay nahahadlangan ng mga kaugalian ng lipunan, uri sa lipunan, mga hadlang na pangkultura. Gayon din, ginagamit ito sa iba pang mga henerong pampanitikan, katulad ng mga nobelang gotiko na tulad ng "Dracula" ni Bram Stoker, na ang pagnanais ay nakahalo sa takot o sindak at pangamba. Ang mga makata, magmula kay Homer hanggang sa kay Toni Morrison, ay humarap sa mga tema ng pagnanais sa kanilang mga akda. Katulad ng pagiging pangunahin ng pagnanais sa nasusulat na henerong pangkathang-isip ng romansa, ito ay pangunahing tema sa mga pelikulang melodrama, na gumagamit ng balangkas ng kuwento na nakawiwili sa lumakas na mga damdamin ng mga tagapanood sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga krisis ng damdamin ng tao, nabigong pag-ibig o pagkakaibigan, kung kailan ang pagnanais ay nahadlangan o hindi lubos.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Steven Collins, Selfless Persons: Thought and Imagery in Theravada Buddhism." Cambridge University Press, 1982, pahina 251: "In the end, the flowing streams of sense-desire must be 'cut' or 'crossed' completely; nevertheless, for the duration of the Path, a monk must perforce work with motivational and perceptual processes as they ordinarily are, that is to say, based on desire ... Thus, during mental training, the stream is not to be 'cut' immediately, but guided, like water along viaducts. The meditative steadying of the mind by counting in- and out-breaths (in the mindfulness of breathing) is compared to the steadying of a boat in 'a fierce current' by its rudder. The disturbance of the flow of a mountain stream by irrigation channels cut into its sides it used to illustrate the weakening of insight by the five 'hindrances'."
  2. Thanissaro Bhikkhu, "The Wings to Awakening," Tingnan ang seksiyong ito.