Pumunta sa nilalaman

Futbol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sipaang bola (putbol))
Huwag itong ikalito sa Amerikanong putbol, putbol na rugby, at sipaang bola.
Futbol
Sa football, ang pangunahing layunin ng mga tagahanga ay upang hikayatin ang kanilang koponan sa panahon ng tugma.

Ang futbol[1] ay isang uri ng sipaang bola o isports na nilalaro ng dalawang koponan, na may 11 manlalaro gamit ang isang bilog na bola. Ito ay nilaro na mahigit 250 milyong manlalaro sa 200 bansa, kung kaya't ito ang pinakakilalang laro sa buong daigdig.[2][3][4][5] Ang laro ay tinatanghal sa isang hugis-parihabang batawan na may gol sa bawat dulo nito. Ang layunin ng laro ay maka-puntos gamit ang lahat ng parte ng katawan maliban sa kamay at braso, upang mapunta ang bola sa tunghuhin ng kalaban.

Bawat koponan ay binubuo ng 11 manlalaro. Isa sa kanila ang nagsisilbing goalkeeper o bantay sa pithaya o tunguhin (goal sa Ingles). Siya lamang ang maaaring humawak sa bola kung nasa loob lamang ng kanilang penalty area. Magsisilbi namang outfield player o outfielder ang sampu. Ginagamit nila ang kanilang mga paa upang galawin at ipasa ang bola. Maaari rin nilang gamitin ang ulo at katawan upang makakuha ng isang goal. Ang koponan na may pinakamaraming goal pagkatapos ng laro ay tatanghaling panalo. Kung sakaling magkapareho ng lamang ang dalawang koponan pagkatapos ng laro, maaaring tabla o magkakaroon ng labis na oras (o extra time sa Ingles) at/o isang penalty shootout batay sa mga panuntunan ng paligsahan. Ang Laws of the Game ay orihinal na sistema sa Inglatera ng The Football Association noong 1863. Ang futbol ay pandaigdigang nasasaklaw ng Fédération Internationale de Football Association o "FIFA" na nagpasimula ng FIFA World Cup na ginaganap tuwing apat na taon.

Ang Futbol ay tumutukoy ng madaming uri ng laro, tulad ng pagsipa ng bola upang makapunto. Ang salitang putbol ay sumasangguni sa kahit anong uri ng putbol ang sikat sa kontekstong rehiyon: association football (kilala din bilang soccer) sa Britanya; gridiron football (kilala bilang American football o Canadian football) sa United Stated at Canada; Australian rules football o rugby league sa iba’t ibang lugar sa Australia; Gaelic football ng Ireland; at rugby football ng New Zealand. Ang iba’t ibang putbol na ito ay kilala bilang football codes.    

Sumikat ang larong Shrovetide football sa Europa noong ginitnaang panahon, lalo na sa Englatera. Ang larong ito sa Britanya ay galing sa ika-9 na siglo Historia Brittonum, na naglalarawan “a part of boys… playing at ball”. Nagsimula noong ika-12 na siglo ang larong bola na tinatawag na La Soule o Choule sa hilagang Pransiya, kung saan ang bola ay ginagalaw gamit ang kamay, paa at mga patpat.   

Mula noon hanggang ngayon, madaming nagtatangkang pagbawalan ang putbol. Ang unang patakaran ay ipinasa sa Britaniya noong 1314; sinundan ito ng 30 pa mula 1314 hanggang 1667. Humarap ang putbol sa pagtutol noong ika-18 na siglo nang ito’y ginamit bilang pangtakip sa lahat ng marahas na protesta mula sa enclosure act. Ang mga kababaihan ay ipinagbawalan maglaro ng English at Scottish Football noong 1921, ang patakaran na tinanggal lamang noong 1970s. Ang mga babaeng naglalaro ng putbol ay humaharap sa pare-parehong problema sa ibang parte ng mundo.    

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Pilipinas Futbol". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-21. Nakuha noong 2014-09-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Overview of Soccer". Encyclopædia Britannica. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-12. Nakuha noong 21 Setyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Guttman, Allen (1993). "The Diffusion of Sports and the Problem of Cultural Imperialism". Sa Eric Dunning; Joseph A. Maguire; Robert E. Pearton (mga pat.). The Sports Process: A Comparative and Developmental Approach. Champaign: Human Kinetics. p. 129. ISBN 0-88011-624-2. Nakuha noong 21 Setyembre 2013. {{cite book}}: Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Dunning, Eric (1999). "The development of soccer as a world game". Sport Matters: Sociological Studies of Sport, Violence and Civilisation. London: Routledge. p. 103. ISBN 0-415-06413-9. Nakuha noong 21 Setyembre 2013. {{cite book}}: Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Mueller, Frederick; Cantu, Robert; Van Camp, Steven (1996). "Team Sports". Catastrophic Injuries in High School and College Sports. Champaign: Human Kingietics. p. 57. ISBN 0-87322-674-7. Nakuha noong 21 Setyembre 2013. {{cite book}}: Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Palakasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.