Sistemang pangkalusugan
Ang sistemang pangkalusugan, sistemang pampangangalaga ng kalusugan, sistemang pampag-aaruga ng kalusugan, sistema ng pangangalagang pangkalusugan, o sistema sa pangangalaga ng kalusugan ay ang samahan o organisasyon ng mga tao, mga institusyon, at mga rekurso (napagkukunan) na naghahatid ng mga paglilingkod o serbisyong pampangangalaga ng kalusugan upang maabot ang mga pangangailangang [pangkalusugan]] ng pinupuntiryang mga populasyon.
Mayroon isang malawak na kasamu't sarian ng mga sistemang pangkalusugan sa buong mundo, na ang bilang ng mga kasaysayan at mga kayariang pangsamahan ay kasingdami ng bilang ng mga bansa. Sa ilang mga bansa, ang pagpaplano ng sistemang pangkalusugan ay ipinamamahagi sa mga kalahok sa pamilihan. Sa iba, mayroong pagkakaisa ang mga pamahalaan mga unyong pangkalakala, mga pagkakawanggawa, mga relihiyoso, o iba pang mga samahan na naghahatid ng ipinlanong mga serbisyong pampag-aaruga ng kalusgan na ipinupukol sa mga populasyong pinaglilingkuran nila. Subalit, inilarawan ang pagpaplano na pampangangalaga ng kalusugan bilang madalas na ebolusyonaryo sa halip na rebolusyonaryo.[1][2]
Mga mithiin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga adhikain para sa mga sistemang pangkalusugan, ayon sa World Health Organization, ay mabuting kalusugan, pagiging nakakatugon sa mga inaasahan ng populasyon, at patas na pag-aambag na pampananalapi. Ang pagsulong papunta sa mga ito ay nakasalalay sa kung paano isinasagawa ng mga sistema ang apat na mahahalagang mga tungkulin: pagbibigay ng mga paglilingkod na pampangangalagang pangkalusugan, paglikha ng mga napagkukunan, pagtutustos ng salapi, at paglilingkod (stewardship).[3] Ang iba pang mga dimensiyon ng pagsusuri ng mga sistemang pangkalusugan ay ang kataasan ng uri o kalidad, pagkanatatatanggap, at karampatang pangkalusugan.[1] Inilarawan din ang mga ito sa Estados Unidos bilang "ang limang mga C": na nangangahulugang Cost (halaga ng gastos), Coverage (saklaw), Consistency (hindi pabagu-bago), Complexity (kasalimuotan o pagkakumplikado), at Chronic Illness (malalang karamdaman).[4] Gayundin, pangunahing mithiin ang pagpapatuloy ng pangangalagang pangkalusugan.[5]
Mga kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa kadalasan, ang sistemang pangkalusugan ay binibigyan ng kahulugan bilang isang pananaw na reduksiyonista o nagbabawas, bilang halimbawa ay ang pagbaba nito bilang sistemang pampangangalaga ng kalusugan. Sa maraming mga lathalain, halimbawa na, ang mga pagpapahayag na ito ay kapwa ginagamit na panghalili sa isa't isa. May ilang mga may-akda[6] na nakapagpaunlad ng mga argumento upang mapalawak ang diwa ng mga sistemang pangkalusugan, na nagpapahiwatig ng karagdagang mga dimensiyon na dapat pang isaalang-alang:
- Ang mga sistemang pangkalusugan ay hindi dapat na ipahayag ayon sa mga langkap nito, bagkus ay pati na ang mga pagkakaugnay-ugnay ng mga ito;
- Ang mga sistemang pangkalusugan ay dapat na magbilang hindi lamang ng gawi na pang-institusyon o pampanunustos ng sistemang pangkalusugan, subalit pati na ang populasyon;
- Ang mga sistemang pangkalusugan ay dapat na tanawin ayon sa mga layunin ng mga ito, na kinabibilangan hindi lamang pagpapainam ng kalusugan, ngunit pati na ng karampatan ng kalusugan, pagtugon sa lehitimong mga inaasahan, paggalang sa dangal, at patas na paglalaan ng pananalapi, sa piling ng iba pa;
- Ang mga sistemang pangkalusugan ay dapat ding bigyan ng kahulugan ayon sa kanilang mga tungkulin, kabilang ang tuwirang pagbibigkay ng mga serbisyo, maging pangmedisina man ang mga serbisyo o kaya ay kalusugang pampubliko, subalit pati na rin ang iba pang mga tungkulin nakapagbibigay ng kakayahan, katulang ng pagkakatiwala, paglalaan ng salaping gugulin, at paglikha ng mga napagkukunan, kabilang na ang marahil ay ang pinakamasalimuot sa lahat ng mga hamon, ang puwersa ng mga manggagawang pangkalusugan.[6]
Kahulugan ayon sa World Health Organization
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binibigyang kahulugan ng World Health Organization ang sistemang pangkalusugan bilang:
"Ang isang sistemang pangkalusugan ay binubuo ng lahat ng mga organisasyon, mga tao at mga kilos na ang pangunahing layunin ay ang itaguyod, papanumbalikin o panatilihin ang kalusugan. Kinasasamahan ito ng mga pagsusumikap na maipluwensiyahan ang mga pang-alam ng kalusugan pati na mga gawaing mas tuwirang nakapagpapainam ng kalusugan. Kung gayon ang sistemang pangkalusugan ay mas mahigit pa kaysa sa tagilo ng mga pasilidad na pag-aari ng madla na naghahatid ng personal na mga serbisyong pangkalusugan. Kinabibilangan ito, halimbawa na, ng isang ina na nag-aaruga ng anak na may sakit sa tahanan; mga tagapagbigay na pribado; mga programa na pambago ng ugali; mga kampanyang pangkontrol ng bektor; mga organisasyon na segurong pangkalusugan; mga batas hinggil sa kalusugan at kaligtasang pang-okupasyon. Kinabibilangan ito ng kilos na intersektoral ng tauhang pangkalusugan, halimbawa na ang paghihikayat sa ministro ng edukasyon na itaguyod ang edukasyong pambabae, pati na ang pang-alam ng mas mainam na kalusugan."[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "''Health care system''". Liverpool-ha.org.uk. Nakuha noong 2011-08-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ New Yorker magazine article: "Getting there from here." 26 Enero 2009
- ↑ World Health Organization. (2000). World Health Report 2000 - Health systems: improving performance. Geneva, WHO http://www.who.int/whr/2000/en/index.html Naka-arkibo 2014-01-28 sa Wayback Machine.
- ↑ Remarks by Johns Hopkins University President William Brody: "Health Care '08: What's Promised/What's Possible?" 7 Sept 2007
- ↑ doi:10.1136/bmj.320.7237.791
This citation will be automatically completed in the next few minutes. You can jump the queue or expand by hand - ↑ 6.0 6.1 Frenk J., Global Health System : strengthening national health systems as the next step for global progress, Plos Medicine, Enero 2010, Bolyum 7, Isyu blg. 1, 3 pp.
- ↑ "Everybody's business. Strengthening health systems to improve health outcomes : WHO's framework for action" (PDF). WHO. 2007.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)