Sistemang pang-alis ng mga dumi
Ang sistemang pang-alis ng dumi o sistemang panlinis o sistemang ekskretoryo (Ingles: excretory system) ay isang pamamaraan o sistema sa katawan ng isang organismo na siyang gumaganap sa tungkuling ekskresyon, ang proseso ng pagtatanggal ng mga dumi mula sa katawan. Ito ang may tungkuling mag-tanggal ng mga duming dulot ng homeostasis. Maraming mga bahagi ng katawan na may tungkulin sa prosesong ito: katulad ng mga glandulang pampawis, ang atay, ang mga baga, at ang kayarian ng mga atay. Inaalis ng sistemang ito ang mga dumi ng organismo, pinananatili ang balanse at regulasyon ng mga kayariang kimikal sa mga pluidong pangkatawan. Inaalis nito ang mga produktong pang-ekskretoryo mula sa katawan, nag-iimbak ng tubig at sinsasala ang mga pluidong pangkatawan. Kabilang sa mga bahagi nito ang anumang tumutulong sa pagpapababa ng antas ng mga dumi at mga hindi kailangang mga sustansiya. Kung wala ang sistemang ito, ang pagkakaipun-ipon ng mga mapaminsalang mga dumi ay maaaring makapagbigay ng pinsala sa katawan, na kalalabasan ng pagkasira, peligro, at maging ng kamatayan.
Kayarian ng sistemang ekskretoryo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sistemang pang-ihi
- Malaking bituka
- Baga
- Balat
- Atay
- Apdo
- Mga gutli ng limpa
- Mga dayuhang selula
- Sistemang tubyul na Malpigyano (sa sistemang ekskretoryo ng mga Artropod)
Mga tungkulin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ang mga tungkulin at katangian ng sistemang ekskretoryo: -Pag-tatanggal ng mga dumi. -Pag-aalis ng mga walang kapakinabangang mga pangalawang produktong inilabas mula sa mga selula. -Pag-tatanggal ng mga nakapipinsalang pagkakaipun-ipon ng mga kimikal. -Maagang lumilitaw sa katawan ng sanggol ang sistemang ito habang nasa sinapupunan. -Pinananatili nito ang tuluy-tuloy at matimbang mga kalipunan ng mga kimikal. -Pinananatili nito at nag-iipon ng tubig mula sa loob ng katawan.