Pumunta sa nilalaman

Slobodan Milošević

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Slobodan Milošević
Milošević at the signing of the Dayton Agreement in 1995
3rd President of the Federal Republic of Yugoslavia
Nasa puwesto
23 July 1997 – 7 October 2000
Punong MinistroRadoje Kontić
Momir Bulatović
Nakaraang sinundanZoran Lilić
Sinundan niVojislav Koštunica
1st President of Serbia
Nasa puwesto
11 January 1991[a] – 23 July 1997
Punong MinistroDragutin Zelenović
Radoman Božović
Nikola Šainović
Mirko Marjanović
Nakaraang sinundanOffice created
Sinundan niDragan Tomić (Acting)
Milan Milutinović
14th President of the Presidency of the Socialist Republic of Serbia
Nasa puwesto
8 May 1989 – 11 January 1991[a]
Punong MinistroDesimir Jevtić
Stanko Radmilović
Nakaraang sinundanPetar Gračanin
Ljubiša Igić (Acting)
Sinundan niOffice abolished
Personal na detalye
Isinilang20 Agosto 1941(1941-08-20)
Požarevac, Nazi-occupied Serbia
Yumao11 Marso 2006(2006-03-11) (edad 64)
The Hague, Netherlands
KabansaanSerbian
Partidong pampolitikaLeague of Communists of Yugoslavia (1959–1990)
Socialist Party of Serbia (1990–2006)
AsawaMirjana Marković (1971–2006)
AnakMarko and Marija
Alma materUniversity of Belgrade Faculty of Law
Pirma
a. ^ Became "President of the Presidency" of the Socialist Republic of Serbia (a constituent country of SFR Yugoslavia) on 8 May 1989. After SFR Yugoslavia collapsed, he continued as the first President of the Republic of Serbia (a constituent of the newly formed FR Yugoslavia) from 11 January 1991.

Namahala si Slobodan Milošević (Agosto 20, 1941 – Marso 11, 2006) bilang Pangulo ng Serbia (bilang bahagi ng Yugoslavia) mula 1989 hanggang 1997 at bilang Pangulo ng Republika Federal ng Yugoslavia mula 1997 hanggang 2000. Pinangunahan din niya ang Partido Sosyalista ng Serbia mula sa pagkakatatag nito noong 1990. Naging pangulo siya nang sinabi niya at ng kaniyang mga tagasuporta na kailangang baguhin ang Konstitusyon ng Yugoslavia ng 1974 dahil sa di-umano'y pinagkaitan nito ng kakayahan ang Serbia na labanan ang rebelyon ng mga Albanian sa lalawigan ng Kosovo.

Sa panahon ng pamamahala niya bilang pangulo ng Serbia at ng Republika Federal ng Yugoslavia, nagkaroon ng maraming pagbabago sa konstitusyon ng Serbia na nagalis ng maraming kapangyarihan sa mga nagsasariling probinsya ng Serbia. Sa panahon ng 1990s, naganap ang pagkakawatak-watak at digmaang sibil sa Yugoslavia, ang pagbuo sa Republika Federal ng Yugoslavia ng Serbia at Montenegro, ang Dayton Agreement na nagpatigil sa Digmaan sa Bosnia, hanggang sa mapatalsik siya sa puwesto noong 2000.

Sa kalagitnaan ng pambobomba ng NATO sa Yugoslavia noong 1999, kinasuhan siya ng International Criminal Tribunal for the former Yugoslavia(ICTY)[1] ng mga krimen, kasama ang genocide at mga krimen laban sa sangkatauhan sa Bosnia, Croatia, at Kosovo.

Nagbitiw si Milošević sa puwesto dahil sa kilos-protesta dahil sa maanomalyang halalan noong Setyembre 24, 2000. Inaresto siya noong Marso 31, 2001 dahil sa mga alegasyon ng katiwalian, pag-abuso sa kapangyarihan, at sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.[2][3] Dahil sa kawalan ng ebidensya, natigil ang imbestigasyon, ngunit pinadala siya ni Zoran Đinđić sa International Criminal Tribunal for the former Yugoslavia (ICTY) upang mahatulan may kinalaman sa mga krimen na nangyari noong panahon ng digmaang sibil. [4] Sa simula ng

Kinondenia ni Milošević ang paglilitis dahil hindi ito itinatag nang may suporta ng United Nations General Assembly; hindi siya tumaggap ng abogado para sa kaniyang depensa. [5] Si Milošević mismo ang nagsalita para sa kaniyang sarili sa loob ng limang taon ng paglilitis, na natapos ng walang hatol dahil namatay siya noong Marso 11, 2006. [6] Noong 2007, idineklara ng International Court of Justice (ICJ) na walang ebidensiya para sabihing may kinalaman si Milošević sa lansakang pagpatay na isinagawa ng mga Bosnian Serbs noong Digmaan sa Bosnia. Ngunit, nilabag ni Milošević ang Genocide Convention dahil hhinayaan nilang maganap ang mga lansakang pagpatay sa Bosnia.[7][8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Milosevic charged with Bosnia genocide". BBC. 23 Nobyembre 2001. Nakuha noong 20 Hunyo 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Slobodan Milosevic to Stand Trial in Serbia". CNN. 31 Marso 2001. Inarkibo mula sa orihinal (transcript) noong 2 Oktubre 2016. Nakuha noong 21 Enero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Milosevic arrested". BBC. 1 Abril 2001. Nakuha noong 23 Mayo 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Gall, Carlotta (1 Hulyo 2001). "Serbian Tells of Spiriting Milošević Away". The New York Times. Nakuha noong 24 Hulyo 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. http://news.bbc.co.uk/2/hi/europe/1419971.stm
  6. "Icty – Tpiy". United Nations. 5 Marso 2007. Nakuha noong 21 Enero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Paul Mitchell (16 Marso 2007). "The significance of the World Court ruling on genocide in Bosnia". World Socialist Web. Nakuha noong 9 Pebrero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Court Declares Bosnia Killings Were Genocide The New York Times, 26 February 2007. A copy of the ICJ judgement can be found here [1] Naka-arkibo 2017-11-08 sa Wayback Machine.