Smartwatch

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Isang tao na gumagamit ng modernong smartwatch.

Ang smartwatch ay isang nasusuot na kompyuter sa anyo ng isang relo. Kadalasang may isang touchscreen ang mga modernong smartwatch, habang mayroon naman itong isang kasamang app para sa pagaayos ng mga setting nito.

Habang ang mga naunang modelo ng smartwatch ay mayroon lamang na kaunting gamit katulad ng simpleng pagkalkula at pagpapakita ng oras, ang mga modernong smartwatch ay mas nahahalintulad na sa mga gawain ng smartphone. Maaari na maging portable media player ang isang smartwatch; bukod dito, marami ding mga gawaing nauugnay sa fitness at kalusugan.[1] May ilang smartwatch na kayang tumawag; paminsan-minsang tawag sa mga ito ay watch phone.[2]

Paggamit at kasikatan[baguhin | baguhin ang batayan]

Simula noong 2010s, naging sikat ang pagsuot at paggamit ng mga smartwatch.[3] Kadalasang ginagamit ang mga smartwatch bilang fitness tracker at pangtingin sa kalusugan.[4]

Nangunguna ang Apple sa merkado ng smartwatch, habang sinusundan naman ito ng Samsung, Imoo, Fitbit, Amazfit, Huawei, Fossil, at Garmin.[5]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Rawassizadeh; atbp. (January 2015). "Wearables: Has the Age of Smartwatches Finally Arrived?". Medium. ACM. Nakuha noong 28 May 2015.
  2. Molen, Brad (14 Enero 2012). "i phone Gear 2 smartwatches coming in April with Tizen OS". Engadget.com. Tinago mula sa orihinal noong 23 Hulyo 2014. Nakuha noong 22 Hulyo 2014.
  3. https://www.strategyanalytics.com/strategy-analytics/blogs/wearables/2019/11/06/global-smartwatch-shipments-leap-to-14-million-units-in-q3-2019
  4. Rawassizadeh; atbp. (January 2015). "Wearables: Has the Age of Smartwatches Finally Arrived?". Medium. ACM. Nakuha noong 28 May 2015.
  5. https://www.forbes.com/sites/johnkoetsier/2019/05/02/smartwatch-shipments-up-48-apple-36-samsung-11-imoo-9-fitbit-5-5-of-market/