Pumunta sa nilalaman

Sabon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Soap)
Yaring-kamay na sabon

Ang sabon ay isang asin ng asidong magrasa na ginagamit bilang panlinis at pampadulas.[1] Sa bahay, surpaktante ang mga sabon na karaniwang ginagamit sa paglalaba, paliligo, at iba pang uri ng gawaing-bahay. Sa industriya, ginagamit ang mga sabon bilang mga pampalapot, mga sangkap ng mga pampadulas, at mga pasimula sa mga katalista.

Kapag ginagamit sa paglilinis, tinutunaw ng sabon ang mga partikula at dumi, na pagkatapos ay maihihiwalay sa nlilinisang bagay. Sa paghuhugas ng kamay, bilang surpaktante, kapag pinabula sa kaunting tubig, ang sabon ay nagpapatay ng mga mikroorganismo sa paggugulo sa lipidong bilayer na lamad at pagdedenaturalisa ng mga protina nito. Pampaeemulsiyona rin ito ng langis na nagbibigay-daan na alisin ito ng dumadaloy na tubig.[2]

Nagagawa ang sabon sa paghahalo ng taba at langis sa base.[3] Libu-libong taon nang nakagamit ang mga tao ng sabon; may ebidensya para sa produksiyon ng mga materyales na parang sabon sa sinaunang Babilonya noong 2800 BK.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. IUPAC, Compendium of Chemical Terminology, Ika-2 ed. (ang "Gold Book") (1997). Naitamang online na bersyon: (2006–) "Soap". doi:10.1351/goldbook.S05721
  2. Tumosa, Charles S. (2001-09-01). "A Brief History of Aluminum Stearate as a Component of Paint" [Maikiling Kasaysayan ng Estearato de Aluminyo bilang Sangkap ng Pintura]. cool.conservation-us.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-03-18. Nakuha noong 2017-04-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "What's The Difference Between Soap and Detergent". cleancult.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-18. Nakuha noong 2019-12-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)