Paliligo
Ang Paliligo ay isang gawain ng paglilinis ng katawan na kinasasangkutan ng pagbubuhos ng tubig o kaya paglulublob sa pluwido, kadalasang sa tubig, o kaya sa isang solusyong may tubig. Bukod sa layuning pangkalinisan, ito ay para rin sa palalusugan o para sa mga adhikaing panrelihiyon, o pangkasiyahan tulad ng paglalaro sa tubig o ng tubig, kahit na sa ulan. Kung minsan, ang pagligo ay ginagawa bilang isang uri ng terapiya. Kapag nag-uusap ang mga tao hinggil sa paliligo, kadalasang itong nangangahulugan ng pagtubog o pagbabad sa tubig, subalit ang mga tao ay "naliligo" o nagbababad din sa ibang mga uri ng likido, katulad ng paggamit ni Cleopatra ng gatas upang bumuti ang kanyang kutis. Sa pangterapiya, isang bagay na ginagamit sa "paliligo" ay ang putik.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalusugan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.