Pumunta sa nilalaman

Social networking service

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Social networking website)

Ang social networking service (SNS) ay tumutukoy sa alin mang plataporma na lumilikha ng mga social network o mga ugnayan ng pakikisalamuha sa mga taong may magkatulad na interes, gawain, karanasan, o mga ugnayan sa tunay na buhay. Ito ay binubuo ng isang representasyon ng bawat gumagamit (na kadalasan ay isang profile), ang mga ugnayan nito sa ibang mga tao, at iba pang mga serbisyo. Ang karamihan ng mga social networking service ay nagbibigay ng paraan sa mga gumagamit nito na makisalamuha sa sa Internet gaya ng e-mail at agarang pagpapadala ng mensahe. Ang mga site na ito ay pumapayag sa mga gumagamit na magpaskil ng mga ideya, mga larawan, mga aktibidad, mga pangyayari at mga interest at iba pa sa mga taong nasa kanilang network. Ang mga halimbawa ng mga serbisyong ito ay kinabibilangan ng Facebook, Google+, tumblr, Twitter, Instagram, Nexopia, Badoo, Bebo, VKontakte, Delphi, Draugiem.lv, Hi5, Hyves, iWiW, Nasza-Klasa, Soup, Glocals, Skyrock, The Sphere, StudiVZ, Tagged, Tuenti, XING, Hi5, Orkut at marami pang iba.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.