Pumunta sa nilalaman

Sodomya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sodomiya)

Ang sodomya o sodomia ay isang terminong ginagamit ng ilang mga relihiyoso upang ilarawan ang gawain ng pakikipagtalik na pambutas ng puwit sa lalake o babae o minsan ay pakikipagtalik ng tao sa hayop. Sa makapananampalatayang diwa, mayroon itong masamang kahulugan.[1][2] Nagbuhat ang salitang ito mula sa kuwento sa Aklat ng Genesis sa Bibliya ng Sodoma at Gomorrha na pinaniniwalaan ng ilan na puno ng kasamaan at kasalanan. Gayunpaman, may iba't ibang interpretasyon ang iba't ibang sekta sa kung ano talaga ang kasalanan ng mga taga Sodoma at Gomorrha. Ayon sa Ezekiel 16:49-50, ang kasalanan ng mga taga sodoma ay pagiging arogante, pagkakaroon ng masaganang pagkain at pagkawalang bahala at hindi tumulong sa mga mahihirap at nangangailangan.

  1. Gaboy, Luciano L. Sodomy, sodomya - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Paliwanag ukol sa Sodomita at Sodomia". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 33.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.