Pumunta sa nilalaman

Sotir Kolea

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sotir Kolea
Kapanganakan4 Setyembre 1872
  • (Berat Municipality, Kondado ng Berat, Albanya)
Kamatayan3 Hulyo 1945
MamamayanAlbanya
Trabahodiplomata

Si Sotir Kolea (1872-1945) ay isang Albenes na folklorista, diplomata, at aktibista ng Pambansang Albanes na Pagkamulat.[1] Kasama ni Thoma Kacori siya ay binansagan bilang Huli ng mga Rilinda.

Si Sotir Kolea ay ipinanganak sa distrito ng Goricë ng Berat, timog Albania (noon ay bahagi ng Imperyong Otomano) noong Setyembre 4, 1872.[2] Ang kaniyang ama na si Kristo ay isang abogado na nagtrabaho bilang isang legal na tagapayo para sa kumpanyang Pranses na La Regie Des Tabacs, na humawak sa monopolyo ng tabako sa Imperyong Otomano. Sa edad na siyam ay lumipat siya sa Bitola, kung saan nakatira ang kaniyang tiyuhin na si Ilia, isang mangangalakal ng tabako ng parehong kompanya. Matapos makapagtapos mula sa lokal na gymnasium sa wikang Griyego, siya ay tinanggap ng La Regie Des Tabacs at nagtrabaho sa kanilang sangay sa Ohrid. Noong 1896 nagtrabaho siya bilang guro ng wikang Albanes sa pamayanang Albanes ng Kavala.[3] Sa pagitan ng 1899 at 1902 ay inilipat siya sa mga sangay ng Drama at Kavala ng kompanya.

Nang maglaon, lumipat si Kolea sa Ehipto, kung saan siya ay nahalal na kalihim ng lokal na organisasyon ng Bashkimi. Pagkatapos ng Pagpapahayag ng Kalayaan ng Albania, naging bahagi siya ng isang delegasyon na ipinadala sa Kumperensiyang Londres, kasama sina Rasih Dino, Filip Noga, at Mehmet Konica.[4] Noong 1913, nakipagtulungan siya kay Faik Konica sa Kongresong Albanes ng Trieste. Pagkatapos manirahan sa Suwisa ay inilathala niya sa Lausanne ang pahayagang L'Albanie mula 1915 hanggang 1919.[5] Noong 1919-20 siya ay miyembro ng delegasyon ng Albania sa Kumperensiyang Pangkapayapaan ng Paris at sa Franco-Albanes na Konsehong Pampangasiwaan. Noong 1920 lumipat siya sa Madagascar at kalaunan sa Pransiya, kung saan siya nanirahan sa Marsella hanggang 1927.[6] Mula 1928 hanggang 1937 nagsilbi siya bilang direktor ng Pambansang Aklatan ng Albania,[7] ang mga volume nito ay naging triple sa panahon ng kaniyang termino. Ayon sa ilang sanggunian, si Kolea ang nagdala ng pambihirang Codex ni Constantino ng Berat, bahagi ng panitikang Kristiyano na kilala bilang "Kodikët e Shqipërisë" (Albanes na Codex), na natuklasan ni Ilo Mitkë Qafëzezi.[8][9] Mula noong 1937 siya ay nanirahan sa Elbasan, kung saan siya namatay noong 1945. Ang kaniyang obitwaryo ay isinulat ng kaniyang malapit na kaibigan, ang lingguwistang si Mahir Domi . Noong 1944, inilathala sa Tiranë ang kaniyang akda sa mga kasabihang Albanes na Një tufë prorba. Noong 2002 pinarangalan siya ni Alfred Moisiu ng gintong medalya ng Ordeng Naim Frashëri.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Buda, Aleks (1985). Fjalor enciklopedik shqiptar (sa wikang Albanes). Akademia e Shkencave e RPSSH. p. 486. Nakuha noong 4 Hulyo 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Buda, Aleks (1985). Fjalor enciklopedik shqiptar (sa wikang Albanes). Akademia e Shkencave e RPSSH. p. 486. Nakuha noong 4 Hulyo 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Clayer, Nathalie (2007). Aux origines du nationalisme albanais: la naissance d'une nation majoritairement musulmane en Europe. KARTHALA Editions. p. 320. ISBN 978-2-84586-816-8. Nakuha noong 4 Hulyo 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Kaliopi Naska (1987), Ismail Qemali në Lëvizjen Kombëtare Shqiptare, Akademia e shkencave e RPS të shqipërisë, Instituti i historisë, p. 155, OCLC 28807917{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Hamit Boriçi (1997). Një shekull e gjysmë publicistikë shqiptare (1848-1997) [One and a half century of Albanian publicistics] (sa wikang Albanes). Enti Botues Poligrafik "Gjergj Fishta". OCLC 42598494. Nakuha noong 2013-10-07.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Mano, Nini (Hulyo 3, 2010). "Sotir Kolea, dhunimi i një patrioti (pas vdekjes)". Gazeta Shqip. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 3, 2011. Nakuha noong Pebrero 13, 2022. {{cite news}}: More than one of |accessdate= at |access-date= specified (tulong); More than one of |archivedate= at |archive-date= specified (tulong); More than one of |archiveurl= at |archive-url= specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Biblioteka Kombetare e Shqiperise", Ars Poetica (15): 22, Enero 2009, ISBN 9781304497949{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Flora Koka (2003). 2000 vjet art dhe kulturë kishtare në Shqipëri [2000 years of christian art and culture in Albania] (sa wikang Albanes). Kisha Orthodhokse Autoqefale e Shqipërisë. p. 336. Nakuha noong 2013-10-07.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Carroll, Frances Laverne; Houck, Susan (Enero 1997). International biographical directory of national archivists, documentalists, and librarians. Scarecrow Press. p. 1. ISBN 978-0-8108-3223-7. Nakuha noong 4 Hulyo 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)