Pumunta sa nilalaman

Spider-Man

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Spider-Man

Si Spider-Man ("Gagamba-tao" sa Tagalog) ay isang kathang-isip sa karakter sa Marvel Comics superhero. Siya ay nilikha ng editor na si Stan Lee at manunulat na si Steve Ditko. Siya ay unang nakilala sa Amazing Fantasy #15 (Agosto 1962). Base sa pagkakalikha ni Spider-Man, siya ay isang batang pinalaki ng kanyang Auntie May at Uncle Ben. Bilang isang teenager, ang buhay niya ay parang normal lang, at gusto niya na labanan ang kasamaan. Ang lumikha ng Spider-Man ay binigyan siya ng kapangyarihan ng bilis, makasabit sa kahit anung bagay o lugar, magpalabas ng sapot na tinatawag niyang "web shooters" at kakayahang harapin ang trahedya na nagiging dahilan kung bakit natatalo niya ang kanyang mga kalaban.

Noong lumabas ang Spider-Man noong 1960, hindi masyadong lumalabas ang mga batang karakter sa komiks. Ang seryeng Spider-Man ay gumawa ng pagbabago dahil isang teenager ang bida rito kaya't maraming mambabasa ang nakakasunod sa istorya ng kanyang buhay lalo na kapag siya ay nabibigo, nalulungkot at pingakakaisahan. Hindi kagaya nina Bucky at Robin, si Spider-Man ay walang guro o naging mentor na may kapangyarihang tulad niya sa kanyang buhay bilang isang superhero. Naging kasabihan din niya ang "With great power comes great responsibility" na galing sa kay Uncle Ben.

Nakapaglimbag na ng maraming komiks ang Marvel,ang una at ang pinaka sikat ay may pamagat na "The Amazing Spider-Man". Sa paglipas ng panahon, ang karakter ni Peter Parker ay nagbago mula sa pagiging mahiyaing high school student hanggang sa pagiging isang binata na may magulong buhay. Siya rin ay naging isang photographer at kabilang siya sa sikat na grupong "Avengers". Siya rin ay minsang tinatawag na "spidey", "web-slinger",' "wall crawler", o "web-head".

Ang Spider-Man ay isa sa mag pinakasikat na superhero ngayon. Bilang isa sa mga pinakamahalagang karakter ng Marvel, siya ay nakita na bilang mascot ng kompanya. Siya rin ay lumabas na sa dyaryo, telebisyon at sa pelikula. Si Tobey Maguire ang gumanap bilang Peter Parker o Spider-Man sa unang tatlong pelikula. Siya ay kilala rin sa tawag na "your friendly neighborhood". Si Andrew Garfielld ang napiling maging Spider-Man sa planong gumawa ulit ng pelikula. Si Reeve Carney naman ay gumanap bilang Spider-Man sa Broadway musical Spider-Man: Turn Off the Dark noong 2010. Ang Spider-Man ay pumangatlo sa Top100 Comik Book Heroes of All Time ngayong 2011.