Pumunta sa nilalaman

Spy × Family

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Spy × Family
logo ng serye
DyanraAksyon, Komedya, Espiya
Manga
KuwentoTetsuya Endo
NaglathalaShueisha
ImprentaJump Comics+
MagasinShōnen Jump+
DemograpikoShōnen
TakboMarch 25, 2019kasalukuyan
Teleseryeng anime
DirektorKazuhiro Furuhashi
IskripKazuhiro Furuhashi
MusikaMakoto Miyazaki Shūhei Mutsuki
EstudyoWit Studio CloverWorks
LisensiyaCrunchyroll Muse Communication (SA/SEA )
Inere saTXN (TV Tokyo), ux, TV Shizuoka, RCC, BS TV Tokyo
TakboApril 9, 2022 – kasalukuyan
Bilang37
 Portada ng Anime at Manga

Spy × Family (pagbigkas "Spy Family") ay isang serye ng manga mula sa bansang Hapon na isinulat at isinalarawan ni Tatsuya Endo. Ang istorya ay tungkol sa isang espiya na kinakailangang "magkaroon ng pamilya" para sa kanyang misyon, lingid sa kanyang kaalaman ay ang kanyang inampong anak ay mayroong telepatiya, at ang babaeng pumayag pumanggap bilang nanay ay isang dalubhasang asesino. Ang serye ay ipinalimbag ng dalawang linggo sa aplikasyon at websayt ng Shōnen Jump+ ng Shueisha simula noong Marso 2019, kinokolekta ang mga kabanata sa siyam na tomo ng tankōbon nitong Abril 2022. May lisensya ang Viz Media para sa Hilagang Amerika.

Isang adaptasyon sa anime na serye para sa telebisyon ng Wit Studio at CloverWorks ang ipinalabas sa TV Tokyo noong Abril 2022, habang mayroong lisensya ang Muse Communication para sa Asya at ang Crunchyroll para sa pandaidigan. Inanunsyo ang pangalawang bahagi para sa Oktubre 2022.

Ang Spy × Family ay isinulat at isinalarawan ni Tatsuya Endo at ipinalimbag ng dalawang linggo sa aplikasyon at websayt ng Shōnen Jump+ simula noong Marso 2019. Ang mga kabanata ay ipinapalabas tuwing Lunes, kinokolekta at inilimbag ito ng Shueisha bilang tomo ng tankōbon. Libreng inilimbag ng Shueisha ang serye sa wikang Ingles sa aplikasyon at websayt ng Manga Plus.[1]

Noong Nobyembre 1, 2021, inanunsyo ang pagsalin sa anime ng Wit Studio at CloverWorks.[2] Ang sereyeng anime ay idinerekta ni Kazuhiro Furuhashi, idinesenyo ni Kazuaki Shimada ang mga tauhuan, inilikha naman ng [K]NoW_NAME ang musika.[3]

Ang Muse Communication ay may lisensya na ipalabas ang serye sa Taiwan, Timog, at Timog Silangang Asya;[4] ipinapalabas nila ito sa kanilang Youtube channel (limitadong oras para sa ibang rehiyong mayroon), Netflix, iQIYI, bilibili, at mga iba pang rehiyonal na serbisyong streaming.[5]

Nooong Abril 11, 2022 ay inanunsyo ng Crunchyroll ang pagkakaroon ng pag-dub sa Ingles. Ipinalabas ito ng maaga sa Twitch channel ng Crunchyroll sa Abril 15, bago ang tunay na labas nito sa sumunod na araw.[6]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Shueisha's Manga Plus Adds 2 New Manga in English". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Spy×Family Domestic Spy Comedy Manga Gets TV Anime in 2022". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Spy×Family Domestic Spy Comedy Manga Gets TV Anime in 2022". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Mag-log in sa Facebook". Facebook. Nakuha noong 2022-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Muse Asia YouTube | Saturdays at 23:00 (GMT+8) -Bangladesh, Bhutan, India, Nepal, Pakistan, Philippines, Vietnam -Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar (Burma), Singapore, Thailand [*Only available for the first three hours!] MeWATCH (Singapore) CATCHPLAY+ (Indoneisa & Singapore) Sushiroll (Indonesia) Genflix (Indonesia) UPSTREAM (Philippines) POP TV (Philippines) iQIYI NETFLIX". Youtube. Abril 6, 2022. Nakuha noong Hulyo 10, 2022. {{cite web}}: line feed character in |title= at position 48 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. "Spy×Family Anime Gets English Dub with Early Premiere on Twitch (Updated)". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)