Pumunta sa nilalaman

Crunchyroll

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Crunchyroll
UriPribado
ItinatagHunyo 2006; 18 taon ang nakalipas (2006-06)
Punong tanggapanSan Francisco, California, USA
IndustriyaAnime, Asyanong drama
May-ariEstados Unidos The Chernin Group
Hapon TV Tokyo
IsloganAng Opisyal na Pinagmumulan ng Anime at Drama
Websaytcrunchyroll.com
Katayuan sa Alexa1,096 (2014)[1]
Uri ng saytVideo Streaming Site
PagrehistroOpsyonal

Ang Crunchyroll (sinusulat bilang crunchyroll) ay isang Amerikanong website at online na komunidad internasyonal na nakatutok sa pagpapalabas ng mga medyang Pang-silangang Asya tulad ng anime, manga, drama, musika, libangang elektronika, at karerahan ng sasakyan. Itinatag ito noong 2006 ng isang grupo mula sa mga graduate ng Unibersidad ng Kalipornya, Berkeley.[2] Ang Crunchyroll, dahil sa mga kasunduan at mga koneksyon nito sa mga sikat na istasyon sa bansang Hapon, ay nagse-serbisyo sa humigit-kumulang limang milyong miyembro ng komunidad sa buong mundo. Ang Crunchyroll ay pino-pondohan ng The Chernin Group at TV Tokyo.[3]

Nagsimula ang Crunchyroll noong 2006 bilang isang kumikitang uploran ng bidyo at istriming na sayt na nakatutok sa pag-host ng mga bidyong Pan-silangang Asya. Ilan sa mga bidyong naka-host sa Crunchyroll, katulad ng mga fansub na bersyon ng mga anime o mga "bootleg" ng mga seryeng anime na opisyal na ipinapalabas sa Estados Unidos, ay iligal na ini-host nang walang pahintulot mula sa mga may-ari o mga grupong responsable.[kailangan ng sanggunian] Gayunman, tinatanggal pa rin ng Crunchyroll lahat ng mga iligal na mga bidyo kung hinihiling ng may-ari.

Noong 2008, nakatanggap ang Crunchyroll ng $4.05 milyon na puhunang kapital mula sa Venrock.[4] Ang puhunan ay nakakuha ng mga batikos mula sa mga distributor at taga-lisensya ng anime, tulad ng Bandai Entertainment at Funimation dahil pinapayagan pa rin ng sayt na mag-uplowd ang mga tagagamit ng mga ilegal na kopya ng mga hindi lisensyadong palabas.[5]

Gayunman, nagsimulang magtanggap ang Crunchyroll ng mga kasunduan mula sa mga kompanya para makapamahagi nang ligal, kasama na ang Gonzo, dahil sa rami ng mga titulo. Noong Enero 8, 2009, pagkatapos nilang tumanggap ng kasunduan mula sa TV Tokyo na mag-host ng mga palabas ng Naruto Shippuden, inanunsyo ng Crunchyroll na tatanggalin nila lahat ng mga iligal na mga bagay mula sa sayt at magho-host na lamang ng mga ligal at lisensyadong bidyo kung saan meron silang karapatan.[6]

Noong 2010, inanunsyo ng Crunchyroll ang pagkuha nila ng karapatan na ipalabas sa Hilagang Amerika ang 5 Centimeters Per Second sa DVD. Ito ang pinakaunang "DVD release" na lisensyado ng Crunchyroll.[7]

Ang Crunchyroll ay nagpapalabas ng humigit-kumulang 200 na anime at sobra sa 200 na Asyanong drama para sa kanilang mga tagagamit, ngunit hindi lahat ng mga programa ay makikita sa buong mundo dahil sa lisensya.[8]

Noong Disyembre 2, 2013, inanunsyo ng The Chernin Group na nakakuha sila ng interes sa pagkontrol ng Crunchyroll. May isang tao na may kaalaman sa transaksyon ang nagsabi na ang presyo para makuha ang Crunchyroll ay malapit sa $100 milyon. Sinabi ng The Chernin Group na ang tagapangasiwa ng Crunchyroll at ang umiiral na mamumuhunan na TV Tokyo ay mag-papanatili ng makabuluhang interes sa kompanya.[9][10]

Ang libreng paggamit sa Crunchyroll ay makakamit sa pamamagitan ng mga browser pang-desktop, at mga devices tulad ng Windows Phone, iOS at Android na nakakakonek sa Wi-Fi. Ngunit hindi lahat ng kontent ay libre. Ilan sa mga kontent ay nangangailangan ng bayad buwan-buwan sa presyong $6.95/kada buwan, habang ang ibang kontent ay nagiging libre pagkatapos ng isang antala, kadalasan pagkatapos ng isang linggo simula ipalabas ang serye sa mga bayad na miyembro, at sila lamang ang may karapatan na mapanood ang kontent sa HD. Ilan sa mga titulo ay bayaran, base sa kasunduan ng lisensya. Ilan rin sa mga titulo ay mapapanuod lamang sa mga tiyak na rehiyon ng mundo; ilan sa mga titulo na mapapanuod sa Estados Unidos ay maaring hindi mapanuod sa ibang bansa.

Kung ikaw ay premyum na miyembro, ang pag-stream sa mga piling Windows Phone devices (mga OS 7.5 o mas mataas), Roku devices, Boxee, Wii U,[11] PlayStation 3,[12] PlayStation 4,[13] PlayStation Vita,[14] Xbox 360[15] at Xbox One[16], at Vizio, Google at lahat ng telebisyon na may Internet ay maaring makamit.[kailangan ng sanggunian] Noong Hunyo 2013 ang serbisyo ay maaari na ring magamit sa Apple TV.[17]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Crunchyroll.com Site Info". Alexa Internet. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2019-03-14. Nakuha noong 2017-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Crunchyroll CEO: Making Online Anime Pay". ICv2. 2008-12-15. Nakuha noong 2008-12-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Crunchyroll - About". Crunchyroll. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-04-19. Nakuha noong 2017-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Video Site with Unauthorized Anime Gets US$4M Capital". Anime News Network. 2008-03-11. Nakuha noong 2009-02-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Funimation, Bandai Entertainment Respond on Crunchyroll". Anime News Network. 2008-03-12. Nakuha noong 2009-02-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "TV Tokyo to Stream Naruto via Crunchyroll Worldwide". Anime News Network. 2008-11-17. Nakuha noong 2009-02-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Crunchyroll Adds Shinkai's 5 Centimeters per Second DVD". Anime News Network. 2010-08-13. Nakuha noong 2010-08-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Crunchyroll – Frequently Asked Questions". 2010-12-28. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-09-26. Nakuha noong 2012-04-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Lieberman, David (2013-12-02). "Peter Chernin Takes Control Of Anime Provider Crunchyroll". Deadline.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Glover, Ronald (2013-12-02). "Chernin buys anime site Crunchyroll to expand online video assets". Reuters. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-01-14. Nakuha noong 2015-09-25.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Crunchyroll Wii U". Crunchyroll. 2014-12-25. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-12-25. Nakuha noong 2014-12-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Forum - Crunchyroll is on PS3™ Now!". Crunchyroll. 2013-03-18. Nakuha noong 2013-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Crunchyroll App Available on PlayStation 4 at Launch". Crunchyroll. 2013-11-07. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-12-17. Nakuha noong 2013-12-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Crunchyroll App Available for PlayStation Vita Starting Today!". Crunchyroll. 2014-03-18. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-03-22. Nakuha noong 2014-06-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Forum - Crunchyroll is on Xbox LIVE now!". Crunchyroll. 2013-03-19. Nakuha noong 2013-03-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Forum - Crunchyroll Now on Xbox One!". Crunchyroll. 2014-11-19. Nakuha noong 2014-11-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "HBO GO & WatchESPN Come to Apple TV". Apple Inc. 2013-06-19. Nakuha noong 2013-06-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)