Pumunta sa nilalaman

St. Joseph College - Olongapo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
St. Joseph College - Olongapo
Kolehiyo ng San Jose - Olongapo
SawikainChristus in centro (Si Kristo ang sentro)
Itinatag noong1945
Lokasyon,
Dating pangalanSt. Joseph's School
Awit ng paaralanSt. Joseph College Hymn
KulayLuntian at dilaw           
PalayawSJC, St. Jo (ibinibigkas na may impit)

Ang St. Joseph College - Olongapo, Inc. ay isang institusyong diyosesano sa ilalim ng prelatura ng Iba, Zambales. Matatagpuan ito sa lungsod ng Olongapo. Ito ang pinakamatandang paaralang katoliko sa lungsod.

  • Elementary (Mababang Paaralan)
  • Junior High School (Unang Mataas na Paaralan)
  • Senior High School (Ikalawang Matas na Paaralan)
  • College (Kolehiyo)

Matatagpuan ito sa Barangay East Bajac Bajac ng lungsod ng Olongapo. Ang mga hangganan nito ay: sa timog - 20th Street, sa silangan - Elicano Street, at sa kanluran - Canda street.

Ang St. Joseph College ang pinakaunang paaralang katoliko sa lungsod ng Olongapo. Ito ay itinatag noong 1945 ni Rev. Fr. Restituto M. Canda, ang unang direktor pampaaralan nito. Ang paaralan ay nabigyan ng pagkilala ng pamahalaan noong 1949. Noong mga taóng panuruan 1950 hanggang 1951, ang mga Columban Fathers at Sisters mula sa Missionary Society of St. Columban of Ireland ang nangasiwa sa pamahalaan kasáma si Rev. Fr. Joseph Coneely bílang direktor pampaaralan at Sis. Mary Consuelo bílang punongguro. Sa panahon ng Batas Militar, iniwan ng mga Columban Sisters ang bansa upang mailipat sa iba pang mga misyong panlabas at ang pamamahala sa paaralan ay pansamantalang binigay sa Sis. of the Daughters of Charity.