Kolehiyo ng Santa Eskolastika
Ang Kolehiyo ng Santa Eskolastika o St. Scholastica's College (SSC o kolokyal na St. Scho, bigkas /seynt is-ko/) ay Katolikong kolehiyong pangkababaihan na itinatag noong 1906 at pinamamahalaan ng Misyonerang mga Madreng Benediktina ng Tutzing. Matatagpuan ito sa 3.66 hektaryang lote sa Malate sa Maynila, Pilipinas. Napapalibutan nito ng Kalye Estrada sa hilaga, ng Kalye P. Ocampo sa timog, ng Kalye Singalong sa silangan, at ng Kalye Leon Guinto sa kanluran. Unang itinatag ang kolehiyo para lamang sa elementarya. Nagsimula itong tumanggap ng mga estudyante ng hayskul noong 1907, at nagbukas ng kagawarang pangkolehiyo noong 1920. Pinasimulan nito ang pormal na edukasyong pangmusika sa Pilipinas, at nagbukas ng Konserbatoryo ng Musika noong 1907. Bagaman eksklusibong isang paaralan para sa mga kababaihan, pinahintulutan ang pagtanggap ng mga kalalakihang mag-aaral sa mga programang Kognato, Musika, Mga Pinong Sining, at Disenyong Panloob.
Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.