Pumunta sa nilalaman

Santa Ana, Maynila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sta. Ana, Maynila)

Ang Santa Ana ay isang distrito ng Lungsod ng Maynila sa Pilipinas, matatagpuan ito sa timog-silangan ng Ilog Pasig, sa hilagang-silangan ang hangganan ng Lungsod ng Mandaluyong, Lungsod ng Makati sa silangan, sa timog-kanluran naman ay ang Paco at sa kanluran naman ang Pandacan.

Ang Santa Ana ay kabilang sa distrito 6 ng Maynila na may tatlumpu't dalawang mga barangay simula Zone 96 hanggang 100, mga barangay 874 hanggang 905. Base sa 2000 National Census, ang National Statistics Office ay nag-ulat na ang Santa Ana ay halos mayroong 34,694 na bahay, at mayroong 83,306 na rehistradong mamboboto base sa nasyonal na elecsyon noong 2004.

  • "By Sword and Fire: The Destruction of Manila in World War II, 3 February-3 March 1945" by Alphonso J. Aluit (1994) Bookmark, Inc. © 1994 National Commission for Culture and the Arts ISBN 971-569-162-5

HeograpiyaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.