Stanley Holloway
Stanley Holloway | |
---|---|
Kapanganakan | 1 Oktubre 1890[1]
|
Kamatayan | 30 Enero 1982[1]
|
Mamamayan | United Kingdom |
Trabaho | komedyante, artista sa teatro, artista sa pelikula, mang-aawit, makatà, artista sa telebisyon |
Anak | Julian Holloway |
Si Stanley Augustus Holloway, OBE (1 Oktubre 1890 – 30 Enero 1982) ay isang Ingles na aktor sa entablado at pelikula, komedyante, mang-aawit, makata at monologist. Siya ay sumikat sa kanyang mga comic at character roles sa entlado at pelikula, lalo na sa Alfred P. Doolittle ng My Fair Lady. Nakilala rin siya sa kanyang mga comic monologue at mga awitin na kanyang ginampanan at isinaplaka sa kanyang 70-taong karera.
Ipinanganak sa Londres, si Holloway ay isang klerk sa kanyang kabataan. Ang kanyang unang paglabas sa entablado ay sa harap ng infantry service sa Unang Digmaang Pandaigdig. Ang kanyang unang tagumpay na paglabas sa entablado ay nang maitampok siya sa musical na Kissing Time nang inilipat ang musical sa West End mula sa Broadway. Noong 1921, siya ay sumali sa isang concert party, The Co-Optimists, at ang kanyang karera ay nagsimulang yumabong. Sa una, siya ay nagtrabaho bilang isang mang-aawit, ngunit ang kanyang kakayahan bilang isang aktor at pagbigkas ng comic monologue ay madaling nakilala. Ang mga karakter mula sa kanyang mga monologue tulad ng Sam Small, imbento ni Holloway, at Albert Ramsbottom, na nilikha para sa kanya ni Marriott Edgar, ay naging bahagi na ng popular na kulturang British. Nagkaroon ng maraming tagasunod si Holloway nang isinaplaka niya ang kanyang maraming monologue. Noong dekada 1930, siya ay in-demand na maging tampok sa mga variety, pantomime at musical comedy, kabilang ang ilang mga revues.
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gumawa si Holloway nag ilang maikling pelikulang propaganda sa ngalan ng British Film Institute at Pathé News at gumanap ng maiikling papel sa isang serye ng pelikulang digmaan kabilang ang Major Barbara, The Way Ahead, This Happy Breed at The Way to the Stars. Matapos ang digmaan, lumabas siya sa pelikulang Brief Encounter at gunawa ng isang serye ng pelikula para sa Ealing Studios, kabilang ang Passport to Pimlico, The Lavender Hill Mob at The Titfield Thunderbolt.
Noong 1956, ginamapanan niya ang papel ng iresponsable at hindi mapigil na Alfred P. Doolittle sa My Fair Lady, isang papel na ginampanan niya sa Broadway, sa West End at sa pelikulang bersyon noong 1964. Ang papel na ito ang nagdala sa kanya ng katanyagan sa ibang bansa. Dahil sa kanyang pagganap, siya ay nakatanggap ng nominasyon para sa isang Tony Award for Best Featured Actor in a Musical at isang Academy Award for Best Supporting Actor. Sa kanyang huling taon, lumabas si Holloway sa mga serye sa telebisyon sa UK at sa US, nag-tour sa revues, lumbas sa mga stage play sa Britain, Canada, Australia at US, at patuloy na gumawa ng pelikula hanggang siya ay nasa edad 80. Si Holloway ay nakapangasawa ng dalawang beses at nagkaroon ng limang anak, kabilang ang aktor na si Julian Holloway.
- ↑ 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb13986420z; hinango: 10 Oktubre 2015.