Stephen Rowsham

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Si Stephen Rowsham (ipinanganak bandang 1555 - namatay noong 1587) ay isang Ingles na Katolikong pari at martir. Isang katutubo ng Oxfordshire, Inglatera. Inalala siya noong Agosto 11 sa Martirolohiyang Romano ng 2004.[1]

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Nasa edad na 21 si Rowsham, habang naglilingkod bilang isang ministro ng Protestanteng Simbahan ng Santa Maria ng Pamantasan ng Oxford, nang nagbago siya ng relihiyon. Dahil sa pagkakakumbinsi sa katotohanan ng pananalig na Katoliko, pumasok siya sa Simbahan ng Katolisismo at nagpunta sa Pransiya upang makapag-aral upang maging isang pari. Pagkalipas ng kanyang ordinasyon sa kaparian, pumunta siya sa Inglatera noong 30 Abril 1582. Naging layunin niya sa paglalakbay na ito pabalik sa Inglatera ang mangaral sa mga Katoliko ng bansa na inuusig sa ilalim ng pangalan ni Reyna Elizabeth I. Pagkaraan ng ilang araw sa ganitong gawain, dinakip si Rowsham ng mga Ingles na may kapangyarihan. Nabilanggo siya sa isang piitang nasa ilalim ng lupa ng Tore ng Londres sa loob ng isang taon at kalahati. Pagkatapos ng pagkakapiit na ito, pinalayas siya mula sa Inglatera. Noong 1586, muli siyang naglayag pabalik sa Inglatera. Sa pagkakataong ito, napaglingkuran niya ang mga mananampalataya sa tagal na isang taon bago nahuli ng mga may kapangyarihan habang dinadalaw ang isang balong Katoliko. Dahil sa kanyang pagkapari, pinatawan siya ng parusang kamatayan. Kinitil ang kanyang buhay sa pamamagitan ng paghiwa sa tiyan at pagtatanggal ng mga bituka, at paghahati ng kanyang katawan sa apat na mga bahagi. Naganap ang pagpaslang sa kanya noong 1587 sa Gloucester.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Blessed Stephen Rowsham, Priest and Martyr (c. 1555-1587), Saints of Today and Yesterday, Magnificat, Tomo 11, Blg. 6 Agosto 2009, pahina 156.